Advertisers

Advertisers

Jhassy Busran huhusgahan na sa ‘Unspoken Letters’

0 6

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ILANG araw na lang ay huhusgahan na ang family drama film na Unspoken Letters na pinagbibidahan ni Jhassy Busran.

Tsika nga ni Jhassy, habang papalapit anya ang showing ng movie ay lalo siyang nape-pressure.



“Excited na po ako dito at talagang binigay ko lahat para rito,” sey ni Jhassy sa idinaos na media conference.

Nagpahatid din ng papuri ang ilang kasamahan sa Unspoken Letters sa pinakitang husay ni Jhassy sa pelikula.

Sey nga ni Tonton Gutierrez, nakikita raw niya ang determinasyon kay Jhassy at kahit may kahirapan ang role nito ay nagampanan niya nang maayos.

Hindi rin daw nakapagtataka na sa batang edad nito ay ilang international awards na ang nakuha nito.

Ayon naman kay Gladys Reyes na pinatikim ng sampal si Jassy, “Pinag-aralan talaga niya ang role niya. Lagi siyang handa pag nasa shooting na kami. Nakikinig at nagtatanong din siya sa direktor. For a newcomer bibilib ka talaga sa kanya.”



Sabagay, hindi lang co-stars kundi pati ang mga direktor ng Unspoken Letters ng Utmost Creatives, na sina Gat Alaman at Paolo Bertola ay bumilib din kay Jhassy.

“Challenging ang role niya at sakto ang atake niya sa hinihingi. Buo ang loob niya at seryoso talaga siya sa kanyang trabaho.”

Kaya naman sobra ang pasasalamat ni Jhassy na nabigyan ng chance na maipakita ang kakayanan niya sa pag-arte sa Unspoken Letters lalo pa’t ang papel ni Felipa na isang 17-anyos na may autism spectrum disorder (ASD) ang ginagampanan niya.

Dagdag ng dalaga, talaga raw nag-research siya para sa kanyang role at nag-obserba ng mga taong may ganoong karamdaman.

Maliban kina Jhassy, Tonton at Gladys, kasama rin sa Unspoken Letters na ipalalabas na sa December 13 sa mga sinehan, sina Glydel Mercado, Simon Ibarra, Matet de Leon, Orlando Sol, Deborah Sun, MJ Manuel at Daria Ramirez.