Advertisers

Advertisers

Julie Anne feeling reyna pag kasama ang ermat at si Rayver

0 9

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BILANG isa sa mga queen diva ng GMA at Sparkle, tinanong namin si Julie Anne San Jose kung ano ang definition niya ng pagiging queen; at bukod sa kapag kasama niya ang “King” niyang si Rayver Cruz, kailan niya nararamdaman na queen siya?

“Being a queen is someone who’s living the best version of her self,” pahayag ni Julie Anne. “She is someone who is not afraid to fail or to fall. She’s someone who is willing to take risks.



“She speaks of love and kindness, especially to herself.

“Feeling ko queen ako,” lahad pa ni Julie Anne, “pag kasama ko yung mommy ko. Kasi, of course given naman na si Ray kasi king siya e,” at tumawa si Julie Anne.

“Iyon, siyempre yung mom kasi sa kanya ako palagi kumukuha ng strength.”

Ito rin ang tanong namin sa diva na si Mariane Osabel.

Para naman kay Mariane, “Being a queen is being persistent and optimistic, kasi that makes me a queen pala, yung strength ko being optimistic.



“Kasi  ako ha, inaamin ko naman  hindi talaga ako total performer like ate Julie or ate Rita.

“Or kayo palang lahat marunong sumayaw, oo!”

Dito sa puntong ito ay sumingit si Julie Anne at sinabihan si Mariane ng, ‘Hoy ano ka ba? Total performer ka, ‘no?

Dagdag pa ni Julie Anne, “Total performer ka, you should claim it, because you’re a queen.”

Pagpapatuloy ni Mariane, “Alam ko someday gagaling din ako like Ate Julie.

“Iyon nga being optimistic siguro  masasabi ko sa sarili ko na iyon yung strength ko.”

Sundot na tanong namin kay Mariane, kailan niya nararamdaman na queen siya; may king na ba siya?

Hindi agad ito nakasagot bago sinabing, “Prince! Potential [king], potential pa.”

Non-showbiz daw ang tinutukoy ni Mariane.

Feeling queen daw si Mariane kapag nagpe-perform kasama ang iba pang Queendom queens.

“Siyempre kasi alam naman natin kung gaano sila ka-powerful and yet being aware na powerful sila napaka-humble pa rin nila and very reassuring,” saad pa rin ni Mariane.

Isang malaking tagumpay ang Queendom: Live na ginanap sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts sa Pasay City nitong December 2, 2023 ng gabi.

Nagsama-sama rito ang mga queen divas ng GMA na sina Julie Anne, Mariane, Thea Astley, Hannah Precillas, Jessica Villarubin, at Rita Daniela.

At dahil successful ito, hindi na kami magtataka kung magkaroon ito ng repeat at world tour.

Di ba, Mr. Oli Amoroso ng Synergy?

***

KUNG tatanungin si Robb Guinto ng Viva/Vivamax, may intimate scene sa isang pelikula at papipiliin siya ng leading man, sino ang gusto niya?

“Si Papa P. po, idol ko po talaga si Papa P.,” tumatawang pagbanggit ni Robb kay Piolo Pascual. “Maka-eksena lang naman po. Wala po, kasi ang pogi ni Papa P.

“Pero yung pangalawa po si Alden.”

“Si Alden, kasi ang cute ni Alden, kasi napapanood ko na po siya talaga since ano pa lang, sa Eat Bulaga, yung silang dalawa ni Maine, AlDub fan po,” pagtukoy naman ni Robb sa dating tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Samantala, ang iba pang mga kasama ni Robb sa four-part Vivamax series na Araro ay sina Micaella Raz, Arah Alonzo, Dyessa Garcia, Jenn Rosa, Caira Lee, Matt Francisco, Vino Gonzales, Raffy Tejada at Ronnie Lazaro.

Ito ay sa direksyon ni Topel Lee.