Advertisers
Inilahad nitong Biyernes nina Presidential Adviser for Anti-Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon, kasama ang business group leader na si Sergio Ortiz, Presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry at mga manggagawa sa pamahalaan at pribadong mga estabilisimento ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-exempt nito sa dalawang reclamation projects sa Pasay City.
Sa pulong-balitaan ng Partners’ Forum na ginanap Quezon City Sports Club, sinabi ni Gadon na bagamat sinusuportahan niya ang pag-sususpindi ng Pangulo sa 22 reclamation projects sa bansa, ay mas sinusuportahan niya ang pag-eexempted ni PBBM sa dalawang reclamation projects sa Pasay City, dahil makakalikha ito ng maraming trabaho sa mga kababayang Filipino na naghihirap sa ngayon.
Nanawagan din si Gadon sa Department of Environment and Natural Resources na maglabas ito ng tamang polisiya sa mga nakaumang na mga reclamation projects, upang di mabalam ang pag-unlad ng bansa.
“May mga sinasabi (ang DENR) na mga violations ng mga kumpanyang involved sa reclamation diyan sa Pasay. Hindi naman tinutukoy ang mga ito. Nababalam ang proyekto na makakapag-bigay ng maraming kabuhayan sa mga mahihirap nating kababayan,” paliwanag ni Gadon.
“I am only concerned with job generations. Alam din ito ng Marcos Administration. Na ang solusyon sa kahirapan ay permanenteng trabaho. Kaya nga agarang niyang ipinasabatas ang “Trabaho Para sa Bayan Act kaugnay nito ang mga reclamation projects,” paliwanag pa ni Gadon.
Si Ortiz naman ay nagsabing ang DENR ay tumutukoy lamang sa mga “potential violations” na maaari pang di nangyayari o nagagawa ng mga proponents ng reclamation projects na nabanggit.
Sa pagkabalam ng mga proyektong ito, sabi ni Ortiz P40 milyong piso ang nawawala o nalulugi sa bansa.
“Malaki ang magiging benefits dito, stalling it will derail economic growth (from these projects). Architech Palafox even has a study conducted on the projects, it may served as a barrier for tsunamis,” ang sabi pa ni Ortiz.
Si Amorsolo Competente ng Lakas Manggagawa Labor Center ay nagsasabi namang di lamang daan kung di daang- libong manggagawa ang makikinabang sa mga proyektong ito lalo na ang nasa Pasay City.
“Di masama ang reclamation is not bad. Sa Singapore at Tell Aviv, ang kanilang mga sea fronts ay nakatayo sa mga reclaimed areas. Ang mga tumutukigsa dito noon, ay siya ring nakikinabang sa mga ito sa ngayon,” paliwanag ni Competente.
Ang kanyang katuwang na si Christopher Bautista, presidente ng Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCC at GFIs (Goverment Owned Controlled Corporation, Goverment Financial Institutions) ay nagsabi rin na ang Pasay reclamation projects ay pinag-aralang mabuti ng kaalyado nilang goverment office, ang nagpatunay na, na ang mga nasa likod ng proyekto ay tumalima na sa lahat ng pangangailangan ng project para maituloy ito.
“We’re one with Secretary Gadon. We should not be reactive to this issue. Makaka- sama ito sa ating ekonomiya, masisira pa ang imahe ng bansa (sa mga mata ng foreign investors). We are pushing for ‘ease of doing business’, pagkatapos ang mga ganitong projects hahadlangan natin,” ang sabi ni Bautista said.
Para sa grupo mas maganda kung gagawin ng DENR na isa-isa ang dapat na pag-subaybay sa mga reclamation projects upang talagang makapag-focus ang departamento kung talagang may nilalabag na batas ang mga kompanyang nasa likod ng reclamation projects.