Advertisers

Advertisers

Lakers minasaker ang Pelicans, pasok sa NBA in-season finals

0 2

Advertisers

NAGTALA si LeBron James ng 30 points at eight assists upang pamunuan ang opensiba ng Los Angeles Lakers sa 133-89 semifinals victory kontra New Orleans Pelicans Huwebes ng gabi sa Las Vegas para makalahok sa championship game ng NBA’s in-season tournament.

Makakatapat ng Lakers ang Indiana Pacers sa Saturday’s title game. Ginapi ng Pacers ang Milwaukee Bucks 128-119 Huwebes sa magkaibang semifinals.

Austin Reaves umiskor ng 17 points at seven assists, habang si Anthony Davis nagdagdag ng 16 points at 15 rebound para sa Lakers, na nagwagi ng 11 beses sa kanilang nakaraang 15 games.



James naisalpak lahat ng apat sa kanyang attempts mula sa arc habang nagtapos 9 of 12 overall. naglaro siya ng 23 minuto at umupo sa buong final quarter.

Trey Murphy lll umiskor ng 14 points at Zion Williamson nagdagdag ng 13 para sa Pelicans. Herbert Jones nagdagdag ng 10 points at seven rebounds para sa New Orleans.

Brandon Ingram may nine points on 4-of-13 shooting para sa Pelicans.

Taurean Prince umiskor ng 15 points, D’Angelo Russel may 14 at Rui Hachimura nagdagdag ng 12 para sa lakers, na gumawa ng 54.7 percent ng kanilang shots at 17 of 35 mula sa 3-point range.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">