Advertisers
Sinasamantala ng ilang kupal na peryante o perya operators ang pagiging busy nitong si Cavite Governor Jonvic Remulla ngayon mga panahong ito.
Lingid sa kaalaman ng gobernador,largado na sa kanyang probinsiya ang mga peryahang may sugal sa tulong na rin ng ilang masisibang opisyal at tauhan ng PNP Region4A at ng Cavite Police provincial Office.
Ang mga peryahang may sugal sa Cavite ay nasa mga bayan ng Salinas Rosario, Kawit, Tanza, Silang at GMA.
Isang pamosong perya operator na si alias Egay na bantog sa pagiging name- dropper ang umano’y kausap ng kapulisan.
Nasa bayan ng Kawit na nasa kanto lang ng Cavitex ang peryahang may sugal ni Egay at sa Rosario Brgy. Salinas, samantalang Kay alias Fe naman yung sa Silang at GMA.
Milyong piso umano ang sinuka ni Egay at ng mga kasamahan nito bilang goodwill sa mga Diyos ng PNP Region4A at ng Cavite Police Provincial Office.
Sa makatuwid,bukol na maliwanag ang Kapitolyo ng Cavite at maging si Gov.Jonvic Remulla.
Pagyayabang pa ni Egay na binansagan ” perya king” ng Calabarzon, wala umanong “pulis- pulis sa kanya.
TILA wala rin itong takot at RESPETO kay Gov. Jonvic Remulla.
Ang pinaka- masakit, lahat ng mga naglipanang mga peryang may sugal sa Cavite ay pawang may “DAYA”!
Daig pa umanong hino-holdap ang mga mananaya sa mga pasugalang ito.
Walang kalaban-laban ang mga tahor ika nga na pawang iginigisa sa sarili nilang mantika.
Kung ganitong open ang mga sugalan dyan sa Cavite,nakakatiyak tayo na marami ang kumita mula sa ipinasabog na kuwarta.
Pati ba sina RD at PD ay kasosyong- laway ng grupo ni Egay sa katarantaduhan ito?
Panahon ng Kapaskuhan at siguradong titiba ng sandamukal na kuwarta ang mga dayong kapitalistang ito diyan sa Cavite.
Bukod sa perya,alam kaya ni Gov. Jonvic na namumutiktik sa dami ng saklaan ang kanyang lalawigan?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com