Advertisers

Advertisers

PROBLEMA SA MARAWI

0 4

Advertisers

GINULAT tayo hindi lamang ng malakas na lindol sa Mindanao kung di pati na din ang malakas na pag-sabog ng isang improvised bomb sa Marawi City. Apat agad ang napatay sa pagkarami-raming nagtipon-tipon sa loob pa naman ng Mindanao State University. Marami din ang lubhang nasugatan.

Ang pag-sabog ay naganap dalawang araw matapos mahuli ang labing-isang miyembro ng Dawlah Islamiyah at ang lider nila ay napatay sa ‘air and ground assault military operations’ sa bulubunking bahagi ng Mother Tuayan, Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur.

So iisa ang ibig sabihin ng mga pangyayaring ito na tiyak na magkaka-ugnay. May malaking puwersa na uli ng mga terorista sa Marawi.



Dahil ang pag-sabog sa MSU ay pihadong ganti na ng ma bandidong terorista sa pagkakahuli ng kanilang mga kasama. Nangangahulugang maaari na namang mawasak ang kapayapaan at katatagan sa lugar.

Ang mga Intel reports nga raw ay nagsasaad na may mga banyagang involved na rito gaya ng mga foreign element noon na tumulong sa mga Maute para sakupin ang Marawi.

Kung totoo ang mga intel report, kailangan kumilos na ng matindi ang militar at kapulisan upang di na maulit ang Marawi Siege.

Kaisa ako sa pagkundina kung mga teroristang Dawlah Islamiyah ang may gawa nito. Huntingin at paigtingin ang seguridad sa lugar upang masawata na agad ang masasamang balak ng grupong ito.

Karuwagan ang gumawa ng karahasan sa mga sibilyan walang kinalaman sa GULO nilang kinasasangkutan. Buhay ang kanilang inutang, kaya’t buhay din nila ang dapat na kabayaran.



Ang pagpapasabog na may intensiyon talagang pumatay lalo na sa pagtitipon sa isang religious na okasyon ay di katanggap-tanggap. Isa itong kalapastangan na mga halang ang mga bituka ang siyang makagagawa.

Hanapin natin sila at pananagutin sa kanilang pinaka-malaking kasalanang nagawa.