Advertisers

Advertisers

Rep. Pimentel tinawag na “serial harasser” at “irresponsible network” ang SMNI

0 13

Advertisers

DINIKDIK nang husto ang mga ‘host’ ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na humantong pa sa pagpapakulong sa kanila.

Tinawag ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang SMNI bilang “serial harasser” at “irresponsible network”.

Ginisa sa House committee on legislative franchises si dating National Task Forces-End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy ukol sa mga alegasyon nito sa iba’t ibang tao sa kanilang programang Laban Kasama ang Bayan kung saan co-host nito si Jeffrey Celiz.



Tinukoy ng mambabatas ang mga kasong isinampa ng iba’t ibang grupo at indibidwal hindi lamang sa mga korte kundi maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Telecommunications Commission (NTC).

Isa sa mga kinalkal at tinanong ni Pimentel kung may ebidensya si Badoy ukol sa alegasyon nito na may alyansa sina dating Vice President Leni Robredo at mga komunistang grupo. Ani Badoy, bahagi ito ng kanyang official duty bilang hepe ng strategic communications cluster ng NTF-ELCAC.

Dahil dito, inatasan ng komite na pinamumunuan ni Paranaque Rep. Gus Tambunting na magsumite si Badoy ng kanyang ebidensya laban kay Robredo at maging sa alegasyong inilabas ng mga ito sa kanyang programa na may P1.8 billion travel expenses si House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, nag-hunger strike naman sina Badoy at Celiz habang nasa kustodiya ng House Sgt-at-Arms bilang protesta sa kanilang sinapit.

***



Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com