Advertisers

Advertisers

BI AIRPORT PERSONNEL BAWAL BUMATI NG ‘MERRY CHRISTMAS’ PUWERA NA LANG KUNG BILANG SAGOT SA BUMATI

0 13

Advertisers

Hindi umano babawalan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga immigration personnel na bumati sa mga pasahero ng ‘Merry Christmas’ kung gagawin ito para lamang sumagot sa naunang bumati.

Ani Tansingco, wala umanong magiging kapatawaran para dun sa mga babati na ang intensyon ay manghingi ng regalo o pabor.

Sa ginanap na BI yearend press briefing, sinabi ni Tansingco na ang pagbabawal ay higit na para sa mga BI personnel na nakatalaga sa airports.



Gayunman, nauunawaan umano niya na dapat ituloy ang kultura ng Plipino bilang magalang kaya’t maaring bumati kapag binati, sa halip na di ito pansinin na maaring isiping bastos.

“Kasi ugali na natin ang pagiging hospitable at me respect tapos i-greet ka di mo pinansin kasi sinabi bawal. Depende sa sitwasyon, intensyon at pagkasabi,” ani Tansingco, na kasama sina spokesperson Dana Sandoval at deputy spokesman Melvin Mabulac na sumagot sa mga katanungan.

“Pag binati ka, alangang di mo pansinin. Ang bawal ay manghingi. Dun, wala tayong patawad, kung ang intensyon ay mamasko,” dagdag pa nito.

Anang BI chief, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbati kung ang intensyon ay manghingi ng Pamasko subalit ang mga babati naman nang walang malisya o para gumanti lamang ng bati ay hindi parurusahan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">