Advertisers

Advertisers

NorthPort pinamigay si Robert Bolick sa NLEX

0 4

Advertisers

IPINAGPALIT ng NorthPort ang kanilang main gunner,Robert Bolick, sa three-team deal kasangkot ang NLEX at San Miguel at inaprobahan ng PBA Commissioners Office Lunes.

Matapos ang apat na season sa NorthPort,ang 6-foot1 guard ay maglalaro para sa Road Warriors, na naghahanap ng pansamantalang papalit sa puwesto na iniwan ni Kevin Alas matapos magtamo ng ACL tear nakaraang buwan at inaasahan na mawawala ng 10 to 12 months.

Tatanggapin rin ng NLEX ang guard Kent Salado bilang bahagi ng transaction kapalit ni Don Trollano,Kris Rosales at Ben Adamos, kasama ang NLEX second-round draft sa Season 49.



Pero mapupunta si Trollano sa San Miguel, bilang bahagi ng deal. Ang Beermen ay ipapadala sina Allyn Bulanadi, Jeepy Faundo, at ang Season 51 second-round pick sa Batang Pier.

Ang NorthPort ay nakatanggap ng kabouang apat na players mula sa deal bilang dagdag sa dalawang future picks habang ang Road Warriors tumanggap ng malaking biyaya sa kanilang roster Bolick at Salado.

Trollano, na nag average ng 17.43 points per game ngayon conference, ay malaking dagdag sa polpak na SMB side.