Advertisers

Advertisers

2 tulak timbog sa buy bust sa Caloocan

0 16

Advertisers

Kulong ang dalawang tulak ng iligal na droga nang makuhanan ng mahigit P100k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na sina alyas “Bengie”, 44, helper; at alyas “Joel”, 33, kapwa ng Brgy., 120.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na nagbebenta umano ng shabu si Bengie kaya isinailalim siya sa balidasyon.at nagpositibo.



Kasama din dinakip si Joel nang makuhanan ng isang plastic sachet ng shabu kung saan umaabot sa kabuuang 16.2 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P110,160 ang nakumpiska sa mga suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)