Advertisers

Advertisers

ANTIQUE BUS TRAGEDY VICTIMS, TINULUNGAN NI BONG GO

0 5

Advertisers

Kilala sa kanyang maagang pagtugon sa panahon ng krisis, nagpaabot ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go, sa pamilya ng mga namatay at survivor ng malagim na pagkahulog ng pampasaherong bus sa probinsiya ng Antique.

Binisita ng Malasakit Team ni Senador Go ang Angel Salazar Memorial General Hospital (ASMGH) sa bayan ng San Jose de Buenavista at naghatid sila ng iba’t ibang tulong.

Naganap ang aksidente noong Disyembre 5 sa Barangay Igbucagay, Hamtic, Antique na kumitil sa buhay ng 18 pasahero naglagay sa kritikal na kondisyon sa iba pa. Apat ang nakaligtas sa trahedya.



Ang bawat pamilya ng mga biktima ay tumanggap ng tulong pinansyal, grocery packs, meryenda, kamiseta, mask, damit, at iba pang mahahalagang bagay.

“Lubos po kaming nagpapasalamat kay Senator Bong Go kasi kahit nasa malayo siya pero may pinapunta pa rin siya dito para makatulong sa amin. Maraming salamat po Senator Bong Go,” sabi ni survivor Reyna Opiña.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng kaligtasan at kahalagahan ng buhay.

“Mag-ingat tayo palagi. Magtulungan lang po tayo, mga kababayan ko. Makakaahon din po tayo muli,” aniya.

Ang relief operation ay dinaluhan ni Antique Vice Governor Edgar “Ed” Denosta at iba pang opisyal.



Sinuportahan din ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga indibidwal na nangangailangan ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Pinayuhan niya ang mga ito na humingi ng tulong sa ASMGH kung saan mayroong Malasakit Center na tutulong sa kanila sa mga gastusin sa pagpapagamot.

Pangunahing iniakda ni Go, ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 ay naglalayong mabigyan ang mahihirap na Pilipinong pasyente ng maginhawang access sa mga programang tulong-medikal na inaalok ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation, at ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

Patuloy din niyang isinusulong ang pagtatayo ng mga Super Health Center sa buong bansa.