Advertisers

Advertisers

Distribusyon ng special gift boxes ng city’s seniors, pinangunahan ni Mayor Honey

0 22

Advertisers

DAHIL natapos na ang distribusyon ng Christmas food boxes 695,000 pamilya sa lungsod ng Maynila nitong December 12, ay personal naman pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang simula Ng pamamahagi ng special gift boxes para sa city’s senior citizens nitong Miyerkules, Dec. 13.

At gaya nga ng target schedule, na una rito ay inanunsyo na ni Lacuna ang hiwalay na Christmas gifts para sa city’s senior citizens at ipapamahagi sa buong lungsod mula December 13 hanggang 15, 2023.

Mayroong 180,000 senior citizens sa Maynila.



Nabatid mula sa tanggapan ng office of senior citizens’ affairs (OSCA) sa pamumuno ni chief Elinor Jacinto na ang payout para sa senior citizen benefits ay nagsimula na noong Lunes, kung saan Districts 1 at 2 ang nauna.

Habang ang lahat ng monthly financial aid para sa senior citizens, solo parents at persons with disabilities para sa natitirang buwan hanggang December ay ipinamimigay na simula nitong unang linggo ng December, sinabi ni Lacuna na simula sa Isang taon, maging ang mga edad 18 pababa na PWDs ay tatanggap na rin ng benepisyo.

Sinabi ng alkalde na ang pagkakasama ng nasabing age group Ng mga PWDs sa monthly allowances na ibinibigay ng local government ay alinsunod sa ordinansang ipinasa ng Manila City Council.

Nabatid pa kay Lacuna, na ang city-wide distribution ng Christmas gifts at completion ng allowance payouts ay bahagi Ng city’s “May Kalinga, May Ginhawa, May Saya” Christmas celebration sa Maynila.

Maliban pa sa Christmas food boxes sa 695,000 na pamilya at 180,000 senior citizens, ang payout ng monthly financial assistance para senior citizens ay kabilang din ang 16, 204 solo parents at 33,216 persons with disability (PWDs). (ANDI GARCIA)