Advertisers

Advertisers

RESISTENSIYA NG MGA PULIS PALAKASIN!

0 1,256

Advertisers

Bahagi sa responsibilidad ng mga bumubuo ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ang pagresponde sa mga kaguluhan o anumang krimen upang maprotektahan ang mamamayan laban sa anumang kriminalidad.., kailangan malakas at matatag ang mga resistensiya sa pakikipaghamok.., yun nga lang marami na sa ating mga pulis ang obese o sobrang katabaan at bigat ng kanilang mga katawan kaya bumabagal at madaling manghina ang kanilang resistensiya.

Kaya naman, sa siyentipikong pamamaraan ay inilunsad ng NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE (NCRPO) sa pamumuno ni REGIONAL DIRECTOR BRIGADIER GENERAL JOSE.MELENCIO “TATENG” CORPUZ NARTATEZ JR. nitong nakaraang Martes (December 12, 2023) ang “BANTAY OPLAN KALUSUGAN” para maasistehan ang mga pulis na mapanumbalik ang liksi at maresistensiyang pangangatawan.

Ang mga bumubuo ng NCRPO PRESS ASSOCIATION na pinamumunuan ni REMATE COLUMNIST LEA BOTONES na Isa ring opisyal dito ang inyong lingkod ay sinaksihan ang naging paglulunsad sa nasabing programa.., na pangunahing layunin ay ang KALUSUGAN ng mga PULIS para sa pagganap ng kanilang mga tungkulin tulad sa pakikipaghabulan at pakikipaghamok laban sa mga kriminal o salot sa ating lipunan.



Sa naging panayam ng mga bumubuo ng NCRPOPA kay OPLAN KALUSUGAN SPOKESMAN NCR-REGIONAL.MEDICAL AND DENTAL UNIT LT. JUMELLE CUYCO ay napakahalaga ang KALUSUGAN.., na kung unfit na ang pangangatawan ng mga PULIS ay paanong makapagsisilbi tulad sa pakikipaghabulan laban sa mga kriminal kung sobrang laki na ang mga katawan o sobrang bigat na ang mga timbang.

“Kailangan tulungan po natin yung mga kasama natin na mapaliit yung kanilang katawan, ma achieve po nila ulit hindi man maging normal at least mabawasan po yung kanilang timbang” pahayag ni LT. CUYCO.

Sa kabuuan ng NCRPO ay mayroong 7,499 personnel ang OVERWEIGHT at OBESE na kinakailangan umanong sumailalim sa ASSESSMENT at EVALUATION ng MEDICAL OFFICERS bago sumalang ang mga ito sa TRAINING PROGRAM na ipe-prepara ng REGIONAL LEARNING AND DOCTORATE DEVELOPMENT DIVISION.., na magkakaroon din ng PSYCHOLOGICAL INTERVENTION sa mga personnel.

“For NCRPO meron po tayong 7,400 plus na overweight and obese personnel. , that is around 34 percent of NCRPO total strength 23,000.., doon naalarma si RD (REGIONAL DIRECTOR BRIG. GEN. NARTATEZ JR..).., that’s nagcome- up kami sa program na to,
after the pyschological intervention doon na po kami mag-intervene; it’s medical intervention kasi hindi po natin alam kung itong mga personnel natin ay meron silang mga karamdaman na like diabetes or hypertension.., so bibigyan namin sila ng medication after which magbibigay din po kami ng dietary intervention.., so we will be inviting counsellors from all over the region para po mapunta sa iba’t ibang district natin kasi to be honest meron lang po tayong dalawang dietician dito sa region and that includes me.., so we cannot cater the entire 7,000 personnel. Bibigyan natin sila ng mga meal plan.., we will be counselling them proper food serving sizes simultaneous po yan may medical intervention, meron dietary at meron din tayo physical activity intervention.., so holistic po yung approach natin,” pagpupunto ni LT. CUYCO.

“Kami naman po bilang PNP fitness coach ang in-charge sa pagbibigay ng fitness workout according doon sa kanilang medical conditions po,
bale ang purpose po nito ay isa sa 5 focus agenda ng ating PNP na tulungan po natin tulad nga po papaano nga po sila makakapagsilbi yung ating mga kapulisan kung ang ating mga kasama ay unfit na po sa kanilang pangangatawan.., siguro po it’s normal and real talk na mahirap humabol ng kriminal kapag yung mga kapulisan natin ay sobrang lalaki na.., so yun po yung pinakamagandang idea na kailangan tulungan natin yung mga kasama natin na mapaliit yung kanilang katawan, ma achieve po nila ulit hindi man maging normal at least mabawasan po yung kanilang timbang” pahayag naman ni PNP FITNESS TEAM SSGT. NEIL DENNIS ZUÑIGA.



Malaking hamon ito para sa mga pulis na sobrang laki o taba ang kanilang katawan na mabawasan ang kanilang pagiging OBESE at mabigat na timbang.., sa gayon ay maaari silang makipaghabulan sa mga kriminal para sa proteksiyon ng sambayanan.., ika nga maaari lang nilang hayaang maglakihan ang kanilang katawan kung sila ay retirado na sa serbisyo.., hehehe yan e kung gusto nilang paupo-upo na lang sa panahon ng kanilang pagiging retirado at pensiyonado!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.