Advertisers
Sa mga kasamuha ni Big Boss RAMON S. ANG ng SAN MIGUEL CORPORATION (SMC) inparticular, agaw-pansin ang mga payak o simple nitong kilos, pananalita at hilig sa napakakaraniwang gayak o porma. To think na siya ang President/CEO ng SMC na kabilang sa top firms sa world market, may kaibang pitik ang gawi ng business magnate na ama ng SAN MIGUEL BEERMEN, GINEBRA SAN MIGUEL at PUREFOODS/MAGNOLIA teams sa top professional league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA).
Sa isang panayam sa kanya, nabanggit ni RSA ang dahilan ng choice niya sa pagiging simple. Di nga ba, makikita siya na nagsusuot ng cap na karaniwan ay may tatak ng kanilang mga produkto o brand tulad ng SAN MIGUEL, PETRON at kahit ano na una niyang madadampot sa pagbaba ng kotse.
Hindi nga naman siya maarteng tao, kapag may pupuntahan, kung ano na lang ang nandiyan, okay lang sa kanya. Madalas na nakatsinelas si RSA pero mas komportable raw siya sa ganun.
“Pag tumatanda’ aniya, ‘wag magsusuot ng sapatos, Pag nasa bahay o nasa opisina ka,magsandals ka lang, yung sandals, nakakagalaw yun dugo nang mabuti, kaya you feel comfortable.. Sa opisina, aabutin ka ng 12 hours, kung minsan, pag may dinner aabutin pa ng 16 hours.. Kung magsasapatos ka, masisikip na leather, para lang guwapo ka, ah..wala na, di ka na makahinga.’“ Nakakagalaw ako, nakaka-stay ako nang matagal sa trabaho, kasi I feel comfortable, Ayon sa survey ng ilang pangunahing magazines, nasa top list ng pinakamayamang Pilipino/personalidad sa mundo ang isang RSA na laging nasa ibaba ang ipinagmamalaking level. Sa ilang interview na laging ‘feet on the ground’ ang tumbok ng SMC executive, marami na rin sigurong nagising sa gawing maghangad at mag-package ng sarili na angat sa iba in terms of material things.
‘Huwag nating isipin ang pera-pera, kung magkano ang pera natin, ang isipin natin, gaano karaming tao ang matutulungan natin at kung paano gumaan ang buhay ng mga makakasama natin.’.
“ Ang pera (para sa iba) ay measurement ng success.. pero para sa akin, hindi yun angmeasurement. Ang success ay yung maging masaya dahil marami tayong natutulungan Yung yaman, numbers lang yan..meron kang 100 piso o 100,000 piso, pare-pareho lang yan e.’ Nowadays, we eat to live’ di yung mabubuhay ka para lang kumain ng masarap, “Inasmuch as possible, tina-try ko laging simple living lang.. Ang pinakamasaya ko na sa buhay Yung nagpapahinga, yung makita ko ang mga anak at apo ko. Sa opisina, gusto ko, pumasok araw-araw para mai-solve ang mga problema.”.
Well, kung updated po tayo, alam natin na maraming ipinalilinis na ilog o malalaking daluyan ng tubig-baha si RSA tulad ng Pasig River, San Juan River at Bulacan River.
Just recently, nagbaha pala sa area ng Araneta, na isa sa venues ng basketbol.Kinontak ni RSA ang person-in-charge na si JIMMY LU, at nalaman nila na isang DPWH contractor, repairing a dike ang nagtambak sa area, sanhi ng pagbaha, as expected, problem solved yun.. Well, just a few to mention, to give inspiration. KUDOS po, Sir RSA! Sabi nga, sana all.
P.S. We want to extend our sincere gratitude sa mga naitulong ni Sir RSA sa aming betterhalf na si ALFRED aka ALFIE DIRECTO, na hindi man nakarating sa kanya nung ma-ospital enexpectedly and passed on over a year ago, nalaman namin na tinutulungan niya pala noon personally as a friend he used to call ‘PARE’, without us knowing, such a vivid proof of his innate kindness as a low-profile top executive. MARAMING SALAMAT po and GOD BLESS YOU MORE!