Advertisers

Advertisers

CHAIRMAN BACHMANN IS ‘DA’ MAN!

0 4

Advertisers

KAHIT tunog banyaga ang pangalan, noong hirangin ni PBBM si dating PBA player Richard Bachmann bilang Philippine Sports Commission chairman,unang impresyon ng korner na ito noong pormal siyang magpakilala sa media..

‘Bachmann is da man!’

Sa sapantaha ng Uppercut,chair Dickie will work closely to his media partner sa iisang layunin para sa kabutihan ng sports.



Dumaan ang mga araw,buwan at magtataon na,napamilyarado na ni chairman ang likaw ng ahensya.

Nasaksihan niya mismo under his watch kaagapay ang kanyang commissioners , kaliwa at kanang kamay niya sa timon , PCO at ang media.

Naramdaman niya ang tagumpay at kabiguan ng mga pambansang atleta natin na sumasabak sa international competitions tulad ng SEAGames at Asian Games at sasaksihan na rin ang parating na Paris Olympics 2024. Bilang dating atleta ay alam nya mismo ang tamis ng tagumpay at pait ng pagkatalo.

Nasa kanyang kumpas kung saan gagamiting tama ang pondo para sa pambansang sports kung kaya wala siyang sinasayang lalo na para sa sports development at talent discovery kaya nga kahit patapos na ang taon at nasa holiday season na ang madla ay arangkada pa rin ang Batang Pinoy at Philippine National Games.

Ginagawa ni Bachmann ang lahat para tuparin ang ekspeksyon ng nagnombra sa kanya sa PSC na si PBBM at para sa bayan.



Basta ‘wag lang lagyan ng agwat between chairman at partner niyang media, ang kanyang puwesto na co- terminous sa Pangulo ay magiging mabunga hanggang dulo

Dahil sa magagandang reports ng sports media ay isa nang tagumpay ang 4 na gintong naiuwi kumpara sa higit 200 ginto ng host China at 3 digits mula ibang sports power sa Asia na pinatingkad ng muling paghahari natin sa asian basketball kortesiya ng Gilas Pilipinas.

Inspired si chairman.Pinuri uli siya ng Malacañang at nasundan pa ito ng tagumpay sa Para Games dahil mula sa 12th,9th placer na ang ‘Pinas.

Gaganda ng mga storya dahil personal na naroon si chairman para daw ganado ang mga bayani nating lumalaban para sa bayan.

Ang 6 years ay sadyang mahaba sa pinunong hindi kaiga-igaya at maikli naman sa isang mahusay na lider.No man is an island.

Sa kanyang pagtimon sa PSC sa dako pa roon ng tagumpay kaagapay ang mga konsernado at partner sa media.. you are really the man…

Mr.Chairman Bachmann… ABANGAN!