Advertisers
Ni NICK NANGIT
UNA, congratulations sa soft opening kamakailan lamang ng Museo de Pacis Gallery Museum sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Napakagaganda ng mga koleksyon ni Dr. Elba Cruz sa White at Black Galleries nito ng pangkasalukuyan at sagradong sining. Inihahanda na nila ito sa tuluyang pagbubukas sa 2024. Medyo malayo nga lang, pero sulit, lalo na kung nagdedebosyon ka sa Our Lady of Piat na patron saint ng Cagayan.
Pangalawa, congratulations din kay Matteo Guidicelli, dahil nakapagtapos na siya sa kursong Marketing Management sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City.
Pangatlo, tila wala na nga sina Xian Lim at Kim Chiu, lalo pa’t binura na ng binata ang mga videos sa kanyang Instagram, at wala sa mga itinira ang sa kanila ng dalaga. May kinalaman umano ang isang Iris Lee ng Viva?
Kung anuman ang dahilan, mas makabubuti kay Xian, dahil di hamak na mas nag-iisip ito keysa kay Kim. Sino ba naman ang tatagal sa babaeng mali mali at katawa tawang nagpapagamit sa kanyang estasyon?!
Pang-apat, yun palang Breeze Oriental Spa & Massage sa G/F ng Skyland Plaza Tower B, Brgy. San Antonio Village, Malugay St. cor. Talisay St., Makati City ay hindi maganda ang serbisyo.
Nagpunta ako alas kuwatro ng hapon para mag pamasahe. Nag text muna ako bago yun at naka sked ako alas-singko. Pagdating ko, tinanong agad ako ng dalawang receptionists – Jessa at Princess – kung anong name raw ang nagpa reserve.
Sabi ko, paano nyo malalaman e hindi naman ako nag text sa pangalan ko? Check nyo sa phone nyo. Nagtinginan lang sila at walang nag check ng phone.
So, sinabi ko, sure bang darating ang male therapist nyo. Sabi nila, oo. Dahil nagtitinginan lang kami, at hindi nila ako inaalok na umupo o kahit anuman, nagtanong ako kung saan ako pwedeng mag recharge ng phone.
Itinuro nila ang isang sulok malapit sa sofa. So, sabi ko, pwede ba akong mag charge? Oo, raw. Iniwan ko sila at umupo para nga mag charge.
Biglang nagdaldalan ang dalawa. Ang lalakas ng boses. Tawanan pa. Noong mag aalas-singko na, tumawag yung Jessa sa isang branch nila sa Pasay. Narinig ko na sagot na ng Makati ang Angkas, basta’t pumunta na raw ang therapist.
Saka pa lamang may lumapit sa akin na bisor nila, si Irish. Nag aapologize siya, dahil hindi raw makakarating ang therapist. May emergency daw.
Sabi ko, bakit ngayon nyo lang sinabi? Naghintay ako ng 45 minutes! Sabi niya, ngayon lang daw nag text. Akala ko ba walang phone ang dalawang receptionists, kaya nga nakatunganga sila nung sinabi kong icheck ang reservation ko. Sabi ko, sana nung tinanong ko sila kung sure na darating yung therapist e kinonfirm nila agad sa therapist. Hindi nila ginawa. Tapos, kung kailan alas-singko na, saka sasabihin sa akin na hindi pala darating.
Sa totoo lang, pangatlong beses na akong bumalik diyan. Yung una, absent. Pangalawa, nagpalit daw ng day-off, dahil uuwi sa probinsiya. Pangatlo, alas-otso pa raw ng gabi pwede. Kaya, ngayong pang-apat, inagahan ko na, after nila i-confirm na darating daw.
Tapos, sabi ni Irish, kung ok lang daw na palitan ko na lang ang therapist. Yun daw yung parating na tinawagan nila. Sabi ko, hindi ako nagpapamasahe sa babae. Hard massage ako, at mahina ang babae. Kaya nga, nagpa reserve ako sa kaisa-isang male therapist nila. Ni hindi nila ako tinanong bago nila pinapunta yung babaeng iyon.
Akala ko, sa almost 3k na masahe ninyo for 90 minutes e high class ang serbisyo. Yun pala AMPANGET! Kanina may dalawang chekwang dumating. Kontodo asikaso ninyo sa kanila, pero sa akin na Pinoy wapakels ang dalawang receptionists. Namimili sila ng customer. Tama ba yun?!
Sobrang nag apologize yung Irish at sinabi sa akin na gagawan daw niya ng incident report, para hindi na raw maulit pagbalik ko.
Agad sabi ko, asa pa kayong babalik ako. Isusulat ko kayo at sa vlog ko ibubunyag ko ang kapalpakan ninyo. At saka, pake ko sa report ninyo. Yang dalawang receptionists nyo, habol lang ang sweldo nila, pero panget ang serbisyo. Ang ganda pa naman at ang linis sana ng spa, pero nakakasira sila. Kahit sino pang artista ang ilagay nyo para mag promote ng spa, kung panget ang serbisyo, wala rin.
Hinatid pa ako ni Irish sa aking kotse kahit hindi naman kailangan, at nag apologize muli dahil daw isang buwan pa lamang siya diyan. Sabi ko, una hindi ikaw ang problema. Pangalawa, dagdagan nyo ang male therapists nyo para may pamalit. Pangatlo, hindi rin excuse na bago ka palang. Dapat ayusin ninyo ang serbisyo ninyo kahit sa Pinoy.
Maiba tayo. Inilahad na natin sa LIVE ang mga swerte at hindi gaanong maswerteng zodiac signs, ang ilan sa magaganda at hindi magagandang direksyon sa 2024, at pati mga Lucky Colors at Plants.
Mag Subscribe at iShare na ang Nickstradamus Nickstradamus channel sa iba. Libre lang yan. Marami pa kayong aral na mapupulot tungkol sa kababalaghan at batas. Masaya lagi ang kuwentuhan ng mga Kabunganga Nicksters sa buong mundo, lalo na’t inaabot na kami sa 12 oras.
Hanggang sa muli, Light Love and Life, Namaste!