Advertisers

Advertisers

PAGGAMIT NG TUBIG-ULAN SA IRIGASYON ISINUSULONG NI MARCOS

0 7

Advertisers

MANANATILING prayoridad ng pamahalaan ang irigasyon.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng target ng administrasyon na mapalakas ang food security ng bansa.

Paliwanag ni PBBM, target ng gobyerno na makapagpatayo pa ng 275,000 na bagong irrigation areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.



Ayon kay Pangulong marcos, nasa 25,000 ektaryang irigasyon ang nalikha na habang nakapag-restore naman ang pamahalaan ng may 9,000 ektaryang irrigable land.

Samantala, iginiit ng presidente na hindi dapat masayang na lang basta-basta ang mga tubig ulan na bumubuhos sa panahon ng rainy season.

Aniya, dapat sana ay maipon sa halip na diretso na lang sa kung saan gaya ng dagat ang dami ng ulang bumabagsak sa panahon ng tag- ulan. (Gilbert Perdez)