Advertisers

Advertisers

BAKBAKAN BLUES SA LTO

0 2,651

Advertisers

KARUGTONG ito ng aking naunang isinulat tungkol sa bakbakan sa kontrata ng paggawa ng licensed plate sa Land Transportation Office (LTO). Kung napapansin ninyo, maraming sasakyan ang walang licensed plate kahit nagawa na ang karamihan sa kanila. Kahit hindi ito ipamigay sa mga may-ari ng kotse at ibang sasakyang panlupa dahil sa kontrobersya na umugat sa order ng isang bangko.

Tungkol ito sa kontrobersyal na freeze order ng ibinaba ng Ortigas branch of Land Bank of the Philippines (LBP) sa bank account ng PPI-JKG Philippines, Inc. na kilala ngayon bilang OMI-JKG Philippines, Inc., isang kontratista ng Land Transportation Office (LTO), ang sangay ng gobyerno na nangangasiwa sa rehistro ng lahat ng sasakyang panlupa at ang pamamahagi ng mga license plate sa may-ari ng sasakyan.

Nag-umpisa ang freeze order sa isang liham mula kay Christian Calalang, isang hindi kilalang nilalang na nagpalsipika umano ng dokumento ng General Information Sheet (GIS) at nagsabing ibinenta niya ang mga sapi (stocks o shares) ng kompanya sa isang mangangalakal na nangangalang Annabelle Arcilla-Margaroli. Utos ng batas na magsumite ang bawat pribadong kompanya ng GIS sa Securities and Exchange Commission (SEC) upang atyagan ang kanilang takbo at malaman kung sinusunod nila ang batas sa korporasyon.



Napag-alaman na isang sapi (stock) lang ang pag-aari ni Calalang sa OMI-JKG at nagkakahalaga ito ng P100. May kasunduan dati ang PPI-JKG na joint venture sa Dutch Company JKG, ang gumagawa ng plates, at nagsilbi ang kompanya bilang supplier ng license plate ng LTO bago ito binili at kinuha ni Arcilla-Margaroli. Ang pagkakabili ang dahilan na baguhin ang pangalan ng kumpanya at makilala ito bilang OMI-JKG Philippines, Inc., o OMI-JKG.

Naging sanhi ang freeze order na maraming abala at antala sa pamamahagi ng motor vehicle plates sa bansa dahil sinikap bayaran ng OMI-JKG ang mga utang sa local at foreign supplier. Ayon sa regulasyon ng LTO, kailangan irehistro ng lahat ng may-ari ang kanilang sasakyan. Binigyan sila ng license plate bilang batayan ng pagkakakilanlan ng sasakyan. Maraming sasakyan ang nairehistro, ngunit hindi pa naisyuhan ng license plate. Isa ito sa mga isyu na humaharap sa LTO sapagkat nagbayad na gn mga may-ari ngunit wala silang license plate.

***

SA GITNA ng mga akusasyon at labanang legal, hinatak ni Christian Calalang at Caesar Zamoranos ang pangalan ni Annabelle Margaroli sa labanan. Nangyari ito sa pagtatapos ng tatlong araw na pagdinig sa tatlong-taon na interpleader case ng bagong LTO Assistant Secretary Vigor Mendoza. Nag-umpisa ang kaso sa huling LTO management na pinamunuan ni LTO Executive Director Romeo Vera Cruz at Assistant Secretary Edgar Galvante.

Ayon sa mga manananggol ni Margaroli, nagsimula ang sakdal dahil sa sabwatan umano ni Calalang sa LTO management na huminging ipagwalang bahala ang “irrevocable authority” na ibinigay kay Margaroli. Kahit may Deed of Assignment na nilagdaan at dumaan sa notaryo upang ipakita ang pag-aari ni Margaroli ng majority shares ng kompanya, inumpisahan ng noo’y Assistant Secretary Galvante, sa payo ni Executive Director Vera Cruz at Assistant Solicitor General James Cundangan, ang interpleader case.



Ayon sa batas, ang interpleader ay isang sakdal kung saan hinihingi ng dalawang panig ang pagmamay-ari ng isang ari-arian na hinahawakan ng pangatlong panig. Nangyari ang sakdal kahit na may mga documentation at iba pang patunay na nagpapakita ng aktibong pakikilahok ni Margaroli sa kumpanya na kinukuwestiyon.

Hindi kinuwestiyon ni Calalang ang pagmamay-ari at awtoridad ni Margaroli sa kompanya hanggang itinigil ni Margaroli ang cash advances kay Calalang at Zamoranos. Ayon kay Mendoza, ang pangunahing interes ng LTO ay maipatupad ng maayos ang mga obligasyon sa kontrata na naunang ibinigay noong 2014 sa OMI-JKG Philippines, Inc. (dating PPI-JKG). Ang pinagtutuunan ng pansin ay matupad ang mga itinakdang commitments at kabayaran na itinakda ng kontrata.

Hinihingi ng LTO ang ga lehitimong patunay ng mga kabayaran sa anyo ng BIR-issued invoices at official receipts sa ilalim ng kontrol ni Margarolil imbes na si Calalang. Magkasama siya at Mr. Harinck bilang mga taong may kakayahan ng muling magbigay ng lost comma-separated values (CSV) files sa LTO at muling buhayin ang Radio Frequency Identification (RFID) tags na muling ihatid.

Sa isyu ng tunay na may-ari ng kompanya, isang Irrevocable Letter of Instruction, petsa Okt 9, 2019 at nilagdaan ni Calalang at Margaroli,ang nagsisilbing ebidensya ng awtoridad ni Margaroli. Natangap ang dokumentong ito ni LTO Executive Director at chief finance officer. Tahasang binigyan ng poder si Margaroli bilang bagong nag-iisang tao na may kapangyarihan na makipag-ugnayan sa LTO dahil sa organization ng kompanya.

Nilinaw na siya ang tanging taga-lagda sa bagong bukas ng account sa Land Bank of the Philippines. Kasama sa liham ang isang kopya ng Secretary’s Certificate submitted sa LBP at ang pinakabagong general information sheet (GIS) ng kompanya. Kinumpirma rin si Margaroli bilang bagong majority owner ng kompanya.

Matapos ang malinaw ng pagkilala kung sino talaga ang may kontrol ng kompanya, at hindi lang ang mga dokumento na nagpatunay ng plate deliveries, CSV files, at capability to activate the 603 million worth of RFID tags, at ang kapasidad magbigay ng mga lehitimong invoice at official receipts sa mahigit 470 milyon na pakakawalan ng korte, kumilos si Mendoza. Nagbigay siya ng order sa withdrawal ng interpleader case na inumpisahan ni Galvante matapos ang tatlong taon na pagkaantala na naging dahilan sa pagkalugi ng mga suppliers, gobyerno, at publiko. Pumabor ang pagkakabalam kay claimant Calalang na tumanggi sumali sa interpleader case na isinampa ng LTO. Ito ang dahilan upang ideklara siyang “in default by the court.”

Nilinaw ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 90 ang responsibilidad ni Margaroli na isumite ang mga items sa LTO. Masusing nagsiyasat si Mendoza upang pangalagaan ang pondo ng gobyerno at matugunan ang lumalalang kakulangan ng licensed plate sa nakalipas na tatlong taon. Kahit malinaw ang mga record na walang ipinuhunan sina Calalang at Zamoranos sa mga delivered item, nanggaling ang mga pondo sa legitimate partners na sina Margaroli at Harinck, at kinumpirma ito ng JV’s legal representatives. Itinuring ang hable ni Calalang bilang taktika upang gipitin sina Margaroli at Mendoza. Nakakagulat isipin na may utang si Calalang kay Margaroli, Harinck, at ang kanilang kompanya ng halagang abot sa P400 millyon sa kabuuan.

May mga ulat na binanggit umano ni Calalang ang pangalan ni Executive Secretary Lucas Bersamin upang patagalin ang isyu. Hindi na ito bago at unang pagkakataon. An tabong: Alam kaya ni Bersamin?