Advertisers

Advertisers

BUKAS NA LIHAM PARA SA CPP-NPA-NDF

0 12

Advertisers

MAY natalisod akong basahin na isang ‘bukas na liham’ na nai-publish ng pahayagang Daily Tribune. Isang nagngangalang Reni Valenzuela ang lumiham sa CPP-NPA-NDF.

Sa kanyang ‘open letter’ sinabi ni Valenzuela sa mga CPP-NPA-NDF, kung talagang malinis ang intensiyon ng mga ito, na magkaroon muli ng ‘peace talks’, di lamang kapakanan nila ang dapat ay nasa kanilang pag-iisip at igigiit.

Hindi ka nga naman makikipag-usap ng kapayapaan kung ang gusto mo lang ang masusunod at dapat mangyayari. Yan ang pinupunto ng liham ni Valenzuela.



Kung ang plano nga raw ng CPP-NPA-NDF ay siya lang ipag-giitan ng mga ito, at di susundin o pakikinggan ang mga kagustuhan ng pamahalaan, bakit nga naman uupo pa sa ‘negoatiating table’?

Ang peace talks ay ‘2-way traffic’. Sasabihin mo ang gusto mo at ganun din ang iyong kausap, saka kayo magdedisisyon kung katanggap-tanggap sa iyong panig ang nais na mangyayari ng kabilang panig.

Sa ganitong katayuan, habang naggaganap ang peace talks, sinisiguro rin ng dalawang panig ang ligtas na pagkilos ng bawat isa. Walang patayang magaganap o kahit na enkwentro.

“You are being given another chance at life, a life of peaceful and normal existence in an open world — free from both the dangers of being killed and killing your fellowmen and from every dissipation, depravity, misery, and barbarity that goes with living in the underworld. Come to your senses and come out in the open. Drop your whacky, senseless, hopeless thinking of overthrowing the government, for it is neither good nor possible,” bahagi ng open letter ni Valenzuela para sa CPP-NPA-NDF.

Para kay Valenzuela, ang pag-lalahad ng Marcos Administration na bukas ito sa usapang kapayapaan ay
ay dulot ng Maykapal.



“Take the “peace talks” overture of the BBM administration as a grace coming from God Almighty. That’s the way to view it. Yes, there is a God, and He’s the great Creator God — the God of justice, equality, mercy, compassion, vindication, blessing and progress, and other long-yearned dreams/wishes of humankind for himself and society, together with the imperative ideals and virtues of life that are no different from your touted beliefs and advocacies, nothing alienated from what you’ve been fighting and dying for in the service of your country and fellow citizens,” paliwanag pa ni Valenzuela.

Isa lang ang nais niyang iparating dito. Ang mamuhay para sa buhay at di para sa kamatayan.

Alam naman nating lahat na simula nang umusbong ang CPP-NPA-NDF ay marami nang namatay dahil makitid nilang pang-unawa at maling ideolohiyang pinaniniwalaan.