Advertisers
Nagpahayag ng suporta si Vice President Sara Duterte kina SMNI host Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz.
Ito ang inilabas na pahayag ng bise presidente matapos na palayain ang dalawa mula sa pagkakadetine sa House of Representatives.
Sa inilabas na pahayag ng bise presidente, kahanga-hanga umano ang ipinakitang tapang at tatag ng dalawa para ipaglaban at itaguyod umano ang Saligang Batas.
Dagdag pa umano nito na ang dalawa ay simbolo umano ng isang bayan na nanindigan ng tama at nanindigan para sa tama.
Magugunitang na-cite for contempt at idinetine sa House of Representatives sina Badoy at Celiz bago sila pinalaya nitong Martes ng gabi.
Kitang – kita na natin ngayon ang hidwaan ng bise presidente at ng House of Representatives.
Ika nga sa lengguwaheng kalye,kampihan na ang labanan.
Halata naman na nasa
” fighting mood” na rin si VP Sara laban sa liderato ng Kamara na pinangungunahan ni Speaker Martin “Tambaloslos” Romualdez.
Pati si Pastor Apollo Quiboloy ay inaasinta na rin dahil nga sa pagiging pro- Duterte nito at close ally ng dating pangulo.
Lahat ng mga kaganapang ito ay nakakapangyari sa tungki ng ilong ni PBBM na nagsasabing solido pa ang UNITEAM na kanilang binuo ni VP Sara Duterte habang dinudurog ito ng kanyang pinsang si Romualdez.
Malinaw pa sa sikat ng araw na di kayang panindigan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang sinasabi sa harap ng publiko at sa kampo ni VP Inday Sara Duterte.
Kung talagang buo pa ang Team Unity,bakit di supalpalin ni PBBM ang kanyang ambisyosong pinsan na manahinik na lamang sa isang sulok at wag maging matabil.
Ang problema,iba ang sinasabi ni PBBM kumpara sa kanyang mga ginagawa.
Kumbaga, “double face” ang galawan at diskarte nito as in ” doble cara”.
Mukhang di tamang maging hunyango ang isang presidente gaya ni PBBM.
Patunay lamang ito na wala siyang paninindigan at isang salita.
Baklang kausap at walang tibay na maaasahan.
Going back to Badoy and Celiz, pinatunayan lamang ng dalawang anchor ng SMNI na mas may ” bayag” sila kesa sa nakaupong presidente na magaling lamang sa salita at wala sa gawa.
Pinatunayan lamang talaga ni PBBM ang kanyang pagiging weak leader!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com