Advertisers

Advertisers

2 LGU employees galing sa party, todas sa aksidente

0 2

Advertisers

MAGKASABAY na nasawi ang dalawang empleyado ng local government ng Davao City nang maaksidente ang kanilang mga motorsiklo pagkagaling sa Christmas party, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Alberto Matias, residente ng Madapo Hills at empleyado sa City Mayor’s Office; at si Rolan Decatoria Acao, 40, ng Crossing Bayabas, Toril district at empleyado ng Local Civil Registrar’s office.

Parehong papauwi na sa kanilang bahay ang dalawa at galing sa Christmas party nang mangyari ang halos magkasabay na insidente 12:30 ng madaling araw.



Natumba ang motosiklo ni Acao habang tumatahak sa Davao City coastal road at tumama ang mukha nito sa concrete railings.

Bumaliktad naman ang motorsiklo ni Matias habang tinatahak ang Father Selga St. sa tapat ng Wireless Cemetery sa Poblacion District, Davao City.

Kapwa idineklarang dead on the spot ang dalawa ng mga nagrespondeng tauhan ng Central 911 rescue team.