Advertisers
SI House Speaker Martin Romualdez ang itinuturo ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa mga atake sa Dutertes.
Sa kanyang kolum sa isang pahayagan, tinalakay ni Roque ang isyu ng pagkulong sa House sa SMNI (Sonshine Media Network Inc.) hosts na sina Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric”Celiz matapos tumanggi ang dalawa na isiwalat ang kanilang source sa pagsapubliko sa umano’y P1.8 billion travel expenses ni Romualdez noong 2022.
“At the center of the issue is Speaker Martin Romualdez, who has been feuding with the Dutertes,” giit ni Roque.
Iginiit niyang ito’y dahil sa ambisyon ni Romualdez sa 2028 presidential derby.
“While his survey rating in the recent Tangere presidential survey was dismal, the Speaker remains a viable presidentiable in the 2028 election,” birada ng dating tagapagsalita ni ex- President Rodrigo Duterte.
“To my knowledge, it is the first time that the Lower House investigated and punished media practitioners for daring to question the budget of the Speaker. In comparison, PBBM has been subjected to the worst kinds of hate remarks by vloggers but has not taken any action to deplatform his vilifiers,” atake pa ni Roque kay Romualdez.
Sina Badoy at Celis ay pinalaya narin naman ng House after 1 week nang i-contempt at ikulong, matapos na ibulong daw nila ang kanilang source tungkol sa isyu ng bilyones na travel expenses ni Romualdez.
Bago pa ang House inquiry kina Badoy at Celis, naipahayag na ni Romualdez na walang katotohanan ang mga isiniwalat ng hosts ng SMNI. Lahat daw ng nagagastos sa House ay dumadaan sa masusing auditing.
Isinisisi rin ni Roque kay Romualdez ang pagkakatanggal ng P650 million confidential funds ng Office of the Vice at DepEd ni Vice President Sara Duterte.
Actually, hindi lang naman ang mga tanggapan ni VP Sara ang inalisan ng intelligence funds kundi lahat ng civilian agencies na walang kinalaman sa national security.
Itinuturo rin ni Roque si Romualdez sa pagsulong ng isang house resolution para payagan ang International Criminal Court (ICC) prosecutors na makapasok sa Pilipinas para mag-imbestiga sa ‘crime against humanity’ laban kay ex-President Rody Duterte.
Sa kabilang banda, sinabi ni House minority leader at kasalukuyang pangulo ng Liberal Party na si Edcel Lagman, maipapasa nila ang resolution para payagan ang ICC na makapasok sa bansa. Araguy!!!
Pinag-iisipan narin ni Pangulo Bongbong Marcos na maging miyembro uli ng ICC ang Pilipinas.
Sabi ng law expert, retired Chief Justice Artemio Panganiban, kapag ginusto ni PBBM bumalik sa ICC hindi na niya kailangan pa ang bendisyon ng Senado dahil ang pagtiwalag ng bansa sa ICC noong panahon ni Duterte ay gawa lamang ng huli, at puwede raw ito i-reverse ni PBBM.
Ganito rin ang naging pahayag ni dating Senador Frank Drilon. Period!