Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING nagulat nang muling magbalikan at mabuo ang KathNiel sa isang mahalagang event ng Dos para sa kanilang Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum.
Pero napansin ng netizens na tila gustong hawakan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo pero todo iwas na ang aktres at lumalayo siya rito habang nagpe-perform.
Ini-expect naman na never na magsasama sa iisang event ang KathNiel at dahil sa Kapamilya network muling nabuo ang loveteam.
Hindi halata na di na sila magdyowa na parang walang nangyari sa ex couple.
Hati ang reaksyon ng netizens, may natuwa at meron ding hindi.
Napansin din na kinabig at hinawakan sa beywang ni Daniel si Kathryn patungo backstage para makapag usap at humingi ng sorry at isa pang tsansa.
May bulong din na ito na raw ang una’t huling pagsasama ng KathNiel sa Christmas Special ng Dos.
May nang-asar naman kay Andrea Brillantes na bumalik na sa kanyang true love si Daniel, kay Kathryn nga.
***
TAPE Inc. di isusuko ang titulong Eat Bulaga
TULUYAN na ngang tinabla ng TAPE Inc ang pakiusap na ihinto na nito na gamitin ang titulong Eat Bulaga ng TVJ matapos katigan ng IPOPhl na pag-aari ito ng TVJ.
Imbes nga na pagbigyan ang pakiusap ng tatlong beteranong TV hosts, nanindigan at nagmatigas ang TAPE Inc. sa pamamagitan ng abogado nila na nagsasabi na di nila bibitawan or isusuko ang titulong Eat Bulaga.
Nagsampol pa ang abogado na kung si Vice Ganda ba raw ng It’s Showtime ay umalis sa show madadala ba raw nito ang titulo?
Dagdag pa nito na nakilala na o tanggap na ng viewers sina Yorme Isko Moreno at Paolo Contis na mga bagong host ng EB.
Doon nga nakatikim ng pamba-bash ang nasabing abogado as in, inulan ito ng batikos ng netizens.
Isang netizen nga ang nakiusap sa TVJ na huwag na gamitin ang EB.
Well, well, well…’Yun na!