Advertisers

Advertisers

Mika nilahad ang mga hirap na pinagdaanan kaya nag-babu na sa showbiz

0 6

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

ISA ang pelikulang When I Met You In Tokyo, na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2023. Mula ito sa JG Productions.

Marami nang nagawang pelikula  na magkatambal sina ate Vi at Boyet. Sa tanong sa huli kung anong pagkakaiba ng tambalan nila ngayon ng una, sa When I Met You In Tokyo kumpara sa tambalan nila noon sa mga pelikulang ginawa nila, ang sagot ni Boyet,”Fortunately I was asked by Vilma to be the associate director. And direk Rommel Penza and direk Vado Peru told me also to help them out. Kasi medyo nahihiya sila to approach Vilma. It would be hard for them na lapitan and tell Vilma what to do, in such scenes lang naman.



“So ‘yun ang pagkakaiba. We were like in communication talaga. We were doing scenes na alam na namin ‘yung gagawin before hand.  Kasi nagkakaintindhan na kami.

“But do you know what’s nice about Vilma? Ang dali niyang mag-absorb, ang dali niyang maintindihan ang scene, like kung what emotions ang kailangan namin, whether it’s a heavy scenes or a light scenes or a romantic scene,” papuri pa ni Boyet kay Vilma.

Maipagmamalaki ni Boyet ang When I Met You at highly recommended niya ito sa lahat na panoorin.

“I’m so happy kasi napanood na namin ni Vi  ‘yung pelikula. Ang ganda! It’s such a beautiful story.”

Gaya ni Boyet, maipagmamalaki rin ni ate Vi ang kanilang pelikula.



“Sa dami-rami kasi ng ginawa naming pelikula ni Mr. Christopher de Leon, it’s really different. Marami kaming ipapakita rito na first time ninyong makikita sa amin ni YetBo. It is a  love story na very-very simple. This is a very endearing movie.  I’m very-very proud of this movie.”

Sa tanong kay ate Vi kung ano ang pinaka-favorite scene nila ni Boyet sa pelikula; ang sagot niya,”Meron kaming eksena ni YetBo sa movie na nagbigayan kami ng gamot. Isa talaga yun sa memorable sa akin. Pero ayokong magbigay ng detalye. Basta panoorin ninyo na lang yung movie namin.”

Bukod kina ate Vi at Boyet, ang ilan pa sa cast ng When I Met You In Tokyo ay sina Cassy Legaspi, Darren Espanto, Kakai Baustista, Lynn Cruz, Jacky Woo at John Gabriel. May special participation dito sina Lotlot de Leon, Gabby Eigenmann, Kouki Taguchi and Miss Gina Alajar.

Showing sa December 25 ang When I Met You In Tokyo.

***

SA isang worship event ng isang Christian group sa Antipolo, Rizal, ay nagsalita si Mika dela Cruz. Ikinuwento niya ang journey niya bilang isang artista, noong nagsisimula pa lang siya bilang isang child star, na marami raw siyang mga hirap na pinagdaanan.

Sinabi niya rin ang dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang iwan ang showbiz.

Sabi ni Mika,“Tingin ng mga tao masaya, magarbo, madali ang buhay. Hindi naman namin napapakita kung ano yung nangyayari behind it.

“Hindi nila alam na kinalakihan kong hanapin yung identity ko sa mundo, sa ibang tao. This became my source of restlessness. Alam ng pamilya ko yan. I’ve been restless all my life,” sabay bumuhos ang luha ni Mika.

Pagpapatuloy ni Mika, “Growing up, my mind was restless, my spirit was restless, my physical body was restless. I’ve never talked about this.

“The past four years were the worst years of my life. It was the hardest and lowest point in my life, and nobody knew about it. Eto yung masasabi ko na talagang sumadsad na ako.”

Kahit daw ang mga taong malapit sa kanya ay hindi na alam kung paano siya matutulungan. Malaking dagok daw sa kanya nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa COVID noong July 2020. Na-diagnose rin daw si Mika ng multiple serious health conditions.

“Hindi halata, ‘di ba?” may halong biro niyang sabi.

Isa sa mga kondisyong ito ay ang pagkakaroon ng autoimmune disease, na nakuha raw niya mula sa pagkakaroon ng stress sa loob ng maraming taon.

“Bitbit ko ‘yun simula pa nu’ng bata pa ako kaya nag-manifest na siya sa katawan ko. Lumabas na siya. Bumigay na ‘yung katawan.”

Nakaramdam din daw siya ng major identity crisis. Na naging dahilan kung bakit nga nag-decide siyang iwan na ang pag-arte.

“Kaya siguro yung iba dito nagtataka, ‘Bakit di ko na siya nakikita? Anong nangyari sa kanya?’ ‘Yun po. Kinailangan kong humingi ng pahinga,” aniya pa ng nakababatang kapatid ni Angelica dela Cruz.