Advertisers
Ni BETH GELENA
NAKATSIKAHAN namin si Ara Mina at ang husband niyang si Dave Almarinez na dating pulitiko sa kanilang bagong business venture, ang Air Force Ventures, Inc.
Habang nakikipagtsikahan ang mag-asawa sa ilang PMPC members and officers, NaIkwento ng magandang aktres ang update sa kanyang showbiz career.
Lahat ng network ay welcome si Ara.
Sabi nga nila Star For All Networks si Ara but according sa actress “mas maganda na Friend of All Networks” di ba?”
“Kulang na.lang sa TV4 ay lumabas na rin ako.”
May comedy show si Ara sa TV5 with Sue Ramirez at Jake Cuenca, talk show sa Net 25 at kung minsan naman daw ay nahihiram siya ng Kapamilya Network.
Papasok din daw siya sa bagong show ng Kapuso Network.
Tinawagan na raw siya ng EP ng show ng Lovers/Liars with Claudine Barretto at Yasser Marta.
Tsika ni Ara, “may show ako ngayon sa GMA.. ipapasok nila ako sa kanilang bagong programa.
Ayon sa aktres, nakunan na raw ang una niyang eksena with Claudine.
“How was it working with Clau?”
“First time ko siyang nakatrabaho and nakikita ko sa kanya na para namang hindi siya nanibago sa pag-akting. Ganun pa rin. Ang galing pa rin kahit matagal na siyang hindi gumagawa ng teleserye,” pakli ng beteranang aktres.
May confrontation ba kayo ni Claudine ?
“Yung shinoot namin na una, ang alam ko mild pa lang yun.”
Marami kaming eksena dito na ikawiwindang ng mga manonood.
Si Ara ang feeling namin ang mahigpit na kalabam ng Optimum actress sa Lovers/Liars.
***
AYON sa netizens, pwedeng-pwede na raw ligawan ni Alden Richards si Kathryn Bernardo dahil hiwalay na ito kay Daniel Padilla
Natanong din sa aktor ang bagay na ito.
Sagot naman ni Alden, “Wala pong ganoon.”
Seryoso ang actor nang siya ay sumagot.
“Parang ginagawan naman ako ng isyu para mapunta sakin yung blame, di ba,” dagdag ng Kapuso aktor.
Hindi rin nagbigay ng reaksyon si Alden nang hingan siya ng komento sa break up ng KathNiel.
Pagbibigay respeto raw niya sa powerful loveteam.
“Nananahimik ako so, ngayon po, wala pong ganoon. Hindi po yun totoo. I know my place in the industry and hindi po ako nakikisawsaw sa isyu ng kung sinu-sino,” wika pa ni Richards
“Pero as a friend ba, nag-reach out ka sa kanya to console her?” tanong pa sa kanya.
“Parang hindi ko pa po nagawa, that’s her personal eh…Parang yun din yung respect ko na anything that has to do with that angle, yung sa kanila ni Daniel, di po ako nakikialam. So I keep that oath po, para hindi na lang po tayo masyadong, para hindi ko na lang po naiinvolve yung sarili ko, kasi malaki na po siya.”
Sina Kath at Alden ay nagkapareha sa Hello, Love Goodbye kung saan naging blockbuster ang movie ng KathDen in all Asian films.
***
SARINA AGAW EKSENA SA SHOW NA PINAPANOOD
KINAALIWAN ang video ni Sarina Hilario, sa kanyang unang ballet show experience na nag-viral agad sa socmed.
Ipinasilip ni Jhong Hilario ang unang Christmas ballet show experience ng anak niyang si Sarina Nakasuot ng ballet attire ang bagets at manghang-mangha sa kanyang napanonood at napapalakpak pa nang makita ang mga performers.
Ang daming magagandang komento ang netizens para sa bagets.
“God bless this child and her family. You are so pretty and cutie Sarina.”
“Sobrang charming and adorable mong bata. Nakakatuwa ka panuorin.”