Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DAHIL sa nalalapit na Pasko at Bagong Taon ay may kahilingan ang controversial actress na si Andrea Brillantes.
Simple man ang kanyang kahilingan ay inaasahan nito na matutupad.
Kumuda pa nga ang netizen na kahit nga raw di na ito mag-wish basta pursigido at may pang pay para matuto ay hindi na need na mag-wish.
This coming New Year 2024 ay gusto lang daw ni Andrea ng Growth at Healing.
Inurirat na ito ng netizen at tinanong kung ano ba ang wish niya before Christmas at New Year.
Dream daw nito talagang matutong mag-drive.
Okey at malusog naman daw ang kanyang family kaya need lang nito at wish na matuto nang mag-drive.
Tumaas naman ang kilay ng mga netizen sa mababaw na kahilingan ni Andrea.
Mag-enroll at mag-aral nga raw ito para know na nito ang driving sey pa ng netizens.
***
Paolo kinaaasaran sa sobrang kumpiyansa sa sarili
IPINAGDIINAN ni Paolo Contis ang kanyang pagiging kumpiyansa sa kanilang grupo lalo na sa kanya at kay Yorme Isko Moreno.
Lumakas ang loob ni Paolo nang sabihin ng kanilang abogado na may hatak at tinangkilik na sila ng viewers.
Ipinagmalaki pa nito na kahit mawala pa or mapalitan na ang titulo ng kanilang noontime show ay may mga manonood pa rin sa kanila.
Laki naman ng kumpiyansa ni Paolo na may laksa laksa na itong tagasubaybay.
Kaya naman pinatikim ng banat ng netizen ang aktor na huwag daw masyadong bilib sa sarili.
Kung talaga nga raw tinatangkilik na sila ay bakit ayaw pa nila palitan ang title ng kanilang noontime show.
Isa pang netizen ang nambara kay Paolo at sinasabi na ilagay daw sa tuktok nito na TVJ is EB at ang Eat Bulaga ay TVJ.
Palitan na nga raw para magkaalaman kung talagang tinatangkilik sila ng tao.
Well, well, well… ‘Yun na!