Gonzaga, Soriano Family At Morada Couple Nananatiling Matatag At Nagkakaisa; Atty. Maggie Abraham Garduque, “MOST PROMINENT WOMEN EMPOWERMENT” AWARDEE
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
Sa kabila ng kaliwa’t kanang isyu na ibinato sa Gonzaga family lalo na sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na idinadamay pa nga si Mommy Pinty at Direk Paul Soriano ng mga basher mula sa grupo ng Kakampink. Heto at matatag at matibay pa rin sina Toni at Alex. Never kasing pinatulan ng mga ito ang mga gumagawa sa kanila ng mga imbentong isyu.
Katuwiran ng mag-sister ay wala silang ginagawang masama o tinatapakan na kapwa kaya tuloy lang ang career nila sa showbiz na marami na silang napatunayan. Saka hindi naman credible ‘yung mga naninira kina Toni at Alex at sa ina nilang si Mommy Pinty at si Direk Paul na resigned na sa kanyang posisyon sa gobyerno para mas maalagaan at matutukan ang kanyang wife na si Toni and their kids-son Seve and daughter Baby Polly also his movie outfit at ang kanilang Toni Gonzaga Studio.
At ito namang LOVE na LOVE naming si Mommy Pinty na malapit sa showbiz people ay lalo pang nagtatagumpay ang pag-aaring negosyo na HAPPY CUP. Aba’y patuloy sa pag-akyat ang bilang ng kanilang franchisee sa buong Pilipinas. Di ba nga may kasabihan na mapalad ang inaapi at inaangat ng Diyos ang taong mapagkumbaba.
Samantala, nakatutuwang pagmasdan ang latest pictorial nina Mommy Pinty at husband na si Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga ng BOPIN VLOG sa Youtube. Alex and husband Lipa Councilor Mikee Morada and famous couple Toni and Direk Paul at mga anak na sina Seve at Celestine Pauline. At silang lahat ay bumabati sa inyo ng Maligayang PASKO!
***
ILANG parangal na ba ang tinanggap ng famous and controversial pretty celebrity lawyer na si Atty. Maggie Abraham-Garduque? Ngayon ay parating pinag-uusapan sa social media sa kanyang pagiging legal counsel at spokesperson ng TAPE, INCORPORATED at programang Eat Bulaga ng mga Jalosjos. Nauna na rito yung paghawak niya sa kaso ni Vhong Navarro kung saan napalaya mula sa pagkakakulong ang komedyanteng dancer at host.
Well, hindi lang sa kanyang propesyon bilang abogado nabibigyan ng award o Plaque of Recognition si Atty. Maggie gayundin sa kanyang pagiging isang ramp model. At hayan may bagong recognition na naman na tinanggap ang kaibigan naming abogada mula sa NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE o NQULI 5th EDITION bilang “MOST PROMINENT WOMEN EMPOWERMENT” AWARDEE. Iginawad ito sa kanya last December 12, 2023.
Nais magpasalamat ni Atty. Maggie sa bumubuo ng NOBLE QUEEN OF THE UNIVERSE na nagkaloob sa kanya ng parangal na ito. Sobrang nakapa-proud ang mabigyan ka ng ganito kataas na award na nagre-represent o bilang role model ng mga mga Empowered WOMEN. Bestfriend pala ni Atty. Maggie ang actress at beauty queen na si Patricia Javier na kauna-unahang nakoronahang Noble Queen of the Universe noong 2019. There’s more, bibigyang parangal din si Atty. Maggie ng MAHARLIKA AWARDS. Ang bongga di ba?