Advertisers

Advertisers

Vilma at Boyet maraming ‘first’ sa ‘When I Met You In Tokyo’

0 8

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ILANG araw na lang ay Pasko na, kasabay nito ang pagpapalabas ng isa sa sampung entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang When I Met You in Tokyo ng JG Productions.

Balik-tambalan ito ng isa sa matitibay na loveteam sa bansa, sina Star For All Seasons Vilma Santos at Drama King Christopher de Leon.



Sa grand presscon na idinaos kamakailan sa Crowne Plaza, hindi nakadalo nang personal si Ate Vi dahil sa karamdaman pero naroon naman siya sa zoom para sagutin ang mga katanungan ng ilang entertainment press.

Nasa venue naman si Boyet kasama ang ilang cast ng movie gaya nina Ms. Gina  Alajar, Lotlot de Leon, Gabby Eigenmann, Kakai Bautista, John Gabriel, Lynn Cruz at ang loveteam na sina Cassy Legaspi at Daren.

Siyempre, present din ang mga director ng WIMYIT na sina Rado Peru at Rommel Penesa. Ilang eksena rin ng pelikula ang tumulong si Boyet para mapabilis at mapaganda ang daloy ng movie.

Tsika nga ni Ate Vi, marami raw silang first time na gagawin ni Yetbo sa WIMYIT.

Binagay anya ang tema ng pelikula sa kanilang mga edad kaya wala na ang matitinding awayan at sigawan. Sey pa ng Star For All Seasons, isa raw sa paborito niyang eksena sa movie ay ang pagbibigayan nila ng gamot ni Boyet.



“Malaki na ang pinagbago namin ni Yetbo. Mature na ang attack namin. It goes with our age,” dagdag ng aktres.

“I’m proud of this movie, simple lang pero malalim at napakaganda. Enjoy ako sa pelikula dahil magkakasama tayo na parang isang pamilya.”

Inihayag pa ni Ate Vi na may natutunan din daw sila sa Gen Z na mga kasama nila sa movie na gaya nina Cassy at Darren.

Bigyan lang daw ng tamang oras ay malaki ang pag-asa ng Gen Z.

Kasabay nito ay muling nanawagan sa publiko ang mga artista ng When I Met You In Tokyo na panoorin ang kanilang pelikula sa pagbubukas ng MMFF simula ngayong Dec. 25 sa mga sinehan.

Tiyak daw na maiibigan ng mga ito ang WIMYIT dahil pinagbuti ito ng mga namamahala sa movie na kasama rin si Redgie Acuna Magno na siyang supervising producer.

Panghuli ay sinabi ni Vilma na umaasa siya na kumita ang pelikula para raw sa mga producer na pinagkatiwalaan sila sa nabanggit na movie. Ang nais anya nila ay maging box office hit ang WIMYIT.

Kaya panawagan ng aktres hindi lang sa kanyang Vilmanians kundi sa moviegoers na suportahan ang When I Met You In Tokyo simula sa Pasko, Dec. 25.