Advertisers
DALAWANG tulog na lang ay Pasko na. Ito ang araw na pinakahihintay sa buong taon ng mga bata at naging bata( tulad natin) dito sa ‘SangkaKristiyanismo’ kaya ating ipagdiwang ang araw ng pagsilang ng ating Mesiya na si HesuKristo..MISMO!
Kaya sa pamamagitan ng ating pitak na Uppercut ay taos-puso nating binabati ng Maligayang Pasko ang mga naging bahagi na ating kolum dito sa PoliceFiles Tonite,papuri man, papitik , unsolicited advice at bigwas -pataas( uppercut) mula sa mga kapitagang personahe sa larangan ng pulitika, showbiz at sports.
Ating unahin ang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa na naging bahagi ng ating pitak mula kampanya pa lamang ng Uniteam hanggang sa mabuway o rumurupok na ngayong( dating solido) team nina PBBM -VPSara dahil sa mga balimbing na nakapaligid sa kanila.Maligayang Pasko sa inyo at MABUWAY!
Saludo naman sa pagbati ng Merry Christmas kay workaholic public servant Senator Bong Go na ang bisyo ay magserbisyo sa kababayan sa aspeto ng kalusugan at palakasan.
Kay POC president at cycling head Cong.Bambol Tolentino (Tagaytay City Mayor)na lucky charm ng Philippine sports dahil sunud-sunod ang tagumpay ng atletang Pilipino sa international competitions under his watch at wish natin ang komprehensibong pagganap bilang pinuno ng government sports agency ni PSC chairman Dickie Bachmann.
Happy Holiday kina PBA Commissioner Willie Marcial, coach Tim Cone ng Gilas Pilipinas, Len Escollante ng Dragonboat, Ting Ledesma ng table tennis, Dave Carter ng Judo, Alvin Aguilar ng wrestling ,Tom Carrasco at Mon Marchan ng triathlon, Perry at Hadley Mariano ng billiards, Cong.Eric Buhain ng swimming, Sen.Francis Tolentino ng kickboxing, SP Migz Zubiri ng Arnis, Gary Estrada ng showbiz , public service and sports, Japanese national Philippine- based baseball expert Keiji Katayama, businessman / sportsman Alex Wang ng Wangs Ballclub, Gov.Chavit Singson ng shooting at iba pa na ating babatiin ngayong Kapaskuhan sa susunod na Uppercut…ABANGAN!
Lowcut:Merry Christmas na rin po sa Converge ICT Solutions, Inc.Mula sa inyong kliyenteng nag-aantay ng service par excellence. Happy New Year na rin!