Advertisers

Advertisers

PROTESTA VS. COL. BADING-RICHARD TANDEM AT ILEGALISTA, IKINAKASA!

0 1,398

Advertisers

ISANG malawakang kilos-protesta ang ikinakasa ng grupo ng Anti-Crime and Vice Group at ng mga estudyante sa mga lalawigan ng CALABARZON kung di pakikinggan ng mga provincial at local official, Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang panawagan na aksyunan ang lumalalang peace and order sa naturang rehiyon bunsod ng di mapigilang paglaganap ng mga illegal vice na prente ng bentahan ng droga sa naturang rehiyon.

Kung mangyayari ito, masusulat sa kasaysayan na nagkaisa ang sibikong grupo at mga estudyante na kumilos at hinarap ang problemang dapat sana ay sina Police Director General (PDGen) Chief Benjamin Acorda Jr., mga gobernador at mayor, PNP provincial director at mga police chief ang nararapat na nangunang humakbang.

Kabaligtaran ang nangyayaring ito, sapagkat kung kailan napalawig na ang panunungkulan ni PNP Chief Acorda Jr. ay lalong lumamya sa pag- aksyon laban sa krimen ang limang PNP provincial director nito na sina Col. Eleiuterio Ricardo Jr. ng Cavite, Col. Samson Belmonte ng Batangas, Col. Harold Depositar ng Laguna; Col. Felipe Maraggun ng Rizal at Col. Ledon Monte ng Quezon.



Kapag minamalas, alinman kina Col. Ricardo Jr., Belmonte, Depositar, Maraggun at Monte ang mauunang masampolan ng papalapit na rigodon sa hanay ng PNP hierarchy?

Napupundi na marahil sa kanila ang mga kung tawagin ay “silence majority” sa kabagalan o tunay na kawalan ng aksyon sa mga ipinararating sa kanilang matinding problema sa ilegal na bisyo, bentahan ng droga, operasyon ng bawal na sugal, smuggling, paihi o buriki at iba pang uri ng krimen na harap-harapang nangyayari sa mga naturang lalawigan.

Pinalala pa ang sitwasyon ng parang singaw na pagsulpot ng mala mafia na protection racket ng mag-partner na alyas Col. Bading at Richard na umaaktong “kapustahan” (police tong collector) ng ilang matataas na PNP official sa Region 4-A, kaya sa halip na malipol ay lalong dumami ang mga ilegalista sa rehiyon.

Sina Col. Bading at Richard ang nagbibigay din ng “bendisyon” sa mga ilegalista kung makapag-ooperate sa rehiyon kapalit ng lingguhang milyones na payola, suhol o intelhencia sa ilang CALABARZON PNP official.

Mula sa tanggapan ni PNP Chief Acorda Jr., pababa sa mga PNP regional at provincial director, city at town police chief ay may “parating” mula kina Col. Bading at Richard na kapwa naman nakabase sa lalawigan ng Cavite.



Lingguhang dumadaloy sa kamay ni Richard ang protection money mula sa mga maintainer ng STL con-jueteng, sakla, pergalan, (perya na pulos sugalan), paihi o buriki, colorum van, illegal jeep, van at bus terminal, illegal quarry, mining, illegal fishing at iba pang mga labag sa batas na nasa buong CALABARZON patungo naman sa Camp Crame, PNP Region 4-A office, office of provincial director at kanilang mga police chief.

Higit na gasgas ni alyas Richard M. ang pangalan ni Cavite PNP Provincial Director Col. Ricardo Jr., pagkat pakilala nito ay security aid, business partner, bukod pa sa pagiging “bagman” ng matikas na kernel?

Ang mga prominenteng drug con gambling operator na nabigyan ng “go signal” nina Col. Bading- Richard tandem na makapag-operate sa Cavite ay ang mga saklaan sa ibat ibang mga barangay nina Hero at ng fake na NBI agent na si Elwyn sa mga bayan ng Amadeo, Noveleta at Maragondon kasama na ang mga license cockpit; isang Jay sa Ternate at Marycon na sikat ding drug pusher sa bayan ng Naic; lotteng at STL con-jueteng nina Melchor sa Bacoor City, Dasmariòas City, Maragondon, Naic at Cavite City; alyas Kap Abner na maintainer ng STL con-jueteng sa Dasmariòas City at Nitang Kabayo na “Cavite STL con-Jueteng Queen” na nag-ooperate sa lahat na siyudad at bayan ng probinsya ni Cavite Gov. Junvic Remulla.

Binabatikos din ang malaganap na operasyon ng bentahan ng droga sa Tanauan City ng may 30 STL bookies operator na kinabibilangan nina Ocampo ng Brgy. Bagbag; Dimapilis ng Brgy. Altura; Ablao ng Brgy. Darasa; alyas Kon Burgos ng Brgy. Boot; Cristy ng Brgy. Suplang; Melchor at Llanto ng Brgy. Tinurik; Kap Kabo Burgos ng Boot; Carandang ng Brgy. 3 at iba pang kinukumpirma ng SIKRETA.

May tig 15 saklaan din sa Tanauan City at siyudad ng Sto. Tomas, bukod sa kung tawagin ay saklang patay ng isang alyas Magsino at Camilo, ngunit di ipinahuhuli ng mga hepe ng pulisya ng naturang mga siyudad. Sa Brgy. Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Cristeta Reyes ay matindi pa rin ang operasyon ng permanente o puesto pijo sugalan na may shabuhan at may “bentahan pa ng laman” ng isang alyas Glenda at ng kalaguyo nitong Batangas PNP official. May kapareho pa silang ala mini casino na pasugal sa Brgy. Pinagtong-olan, Lipa City.

Ngunit tengang kawali lamang sina Batangas PD Belmonte, Malvar Police Chief Capt. Nemecio Calipjo Jr., Lipa City Police Chief Lt. Col. Rix Villareal, Tanauan City Cop LtCol. Ronie Siriban at Sto. Tomas Police Chief LtCol. Rodel Ban-O. Dahil sa kanilang “poor performance” ay tagilid ang mga ito sa nalalapit na PNP re-organization.

Sa bayan ng Candelaria, Quezon Province ay nag-ooperate naman ang malaking pergalan (perya at sugalan) ng isang alyas Francia sa tapat ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), Maharlika sa kabila ng mahigpit na pagtutol ng mga estudyante ng naturang unibersidad.

Hindi lamang sina Quezon Governor Angelina “Helen” Tan, PD Col. Monte, Candelaria Mayor George Suayan at Police Chief LtCol. Brian Merino ang tampulan ng mga puna ng grupo ng anti vice and crime crusader at ng mga student leader kundi higit kay PNP Chief Acorda Jr.

***

Para sa komento: Cp. No. 09664066144