Advertisers

Advertisers

RESORT OWNER SA MULTINATIONAL VILLAGE GINIGIPIT!

0 1,377

Advertisers

Matindi ang dinadanas ngayon ng isang RESORT OWNER sa loob ng MULTINATIONAL VILLAGE sa PARAÑAQUE CITY mula sa management ng kanilang subdivision dahil maging ang kanilang mga worker ay hindi na pinahihintulutan pang makapasok sa gate ng subdivision.

May ilang MEDIA PRACTITIONERS ang nagtangkang mamasyal dapat sa WING-AN GARDEN RESORT na pag-aari ng negosyanteng si SELWYN LAO.., subalit hindi pinapasok ng mga guwardiya ng MULTINATIONAL VILLAGE na ang kanilang deklarasyon ay hindi na umano nag-ooperate pa ang nasabing resort.

Sa nakuhang impormasyon ng ARYA.., ang PARAÑAQUE CITY GOVERNMENT sa liderato ni CITY MAYOR ERIC OLIVAREZ ay GINIGIPIT o ginagantihan daw si LAO dahil sa pagkukuwestiyon nito sa kanilang CITY BUILDING OFFICIAL hinggil sa pagbibigay ng building permit sa mga bahay na nakatayo malapit sa creek o sa ibabaw mismo ng creek.. na nagreresulta ng mga pagbaha sa lugar at matagal na itong inirereklamo ni LAO na hindi pinagtutuunan ng kanilang CITY OFFICIALS.



“Actually, for a long time, I’ve been suspecting that why in ten years of communicating with the Department of Environment and Natural Resources they have not taken any action on this issue, at least one step.., if they are really true to their work they should be concerned because that is their mandate, so how comes no action was taken at all?” pahayag ni LAO sa pamamagitan ng celfone reply nito sa ARYA.

Lumalabas na noon pang taong 2008 ay pamalagian umanong sumusulat si LAO sa GOVERNMENT hinggil sa kaniyang hinaing na maresolba ang problema sa kanilang lugar subalit wala umanong naging tugon sa kaniyang panawagan.

“Ginigipit ako ng Barangay Moonwalk at homeowners ng Multinational Village.., lahat ng tao ko ay ayaw papasukin ng guard, samantalang homeowners ako dito at ang mga empleyado ko dito sa Wing-An resort ay hindi na pinapapasok sa gate,”

Si LAO ay nagmamay-ari ng isang ektaryang lupa sa MULTINATIONAL VILLAGE sa BRGY. MOONWALK na aniya maging ang BALOC-BALOC CREEK na bahagi ng kaniyang lote ay ginawa nang maliit na creek.

Mayroon umanong kutsabahan para pagtakpan ang CITY GOVERNMENT sa pagpapahintulot na ma-reclaim ang creek para maging subdivision lots.



“It’s not that easy to title a creek, but from what I saw it was very simple–the process they made was very easy. So, it’s possible the DENR is involved here,” pahayag pa ni LAO.

Sinisisi rin nito ang POWERFUL VILLAR FAMILY na nagmamay-ari ng REAL ESTATE COMPANY dahil sa mga pagbaha sa CAMELLA CLASSIC HOMES sa BRGY. DON BOSCO at MULTINATIONAL VILLAGE sa BRGY. MOONWALK.

Ang ORIGINAL CREEK ay ni-reclaim umano ng VILLAR at ngayon ay bahagi na ng CAMELLA CLASSIC HOMES.

“The creek they said is not the real creek because the real creek has been acquired by former Senate President Manny Villar under his name and made it [into] a road,” paglilinaw pa ni LAO na aniya ang bahagi ng kaniyang lote ang ginawa namang man-made creek dahil ang original creek ay naging kalsada na at ang ibang portion o bahagi ng creek ay naipagbili pa bilang subdivision lots.

Matindi pala ang dinadanas ngayon ni LAO mula sa PARAÑAQUE CITY GOVERNMENT na umaasa pa rin aniya siyang may mamagitan mula sa iba’t ibang GOVERNMENT AGENCIES para maresolba ang matagal na niyang pinoproblema?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.