Advertisers

Advertisers

Fish porter nagpaputok ng baril: 2 sugatan

0 8

Advertisers

SUGATAN ang dalawang katao nang tamaan ng ligaw na bala sa walang habas na pagpapaputok ng baril ang isang fish porter sa Navotas City, nitong Martes ng madaling araw.

Nakaratay sa Tondo Medical Center habang nilalapatan ng lunas sa tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, 35, merchandiser; at John Robin Gisalan, 20, student, kapwa ng Champaca St., Brgy., NBBS Proper.

Nahaharap naman sa dalawang bilang ng kasong Frustrated Homicide ang naarestong suspek na si Ruben Ilustrisimo, 28, ng 168 Brgy., NBBS Proper.



Sa report ni PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, 12:10 ng madaling araw, habang nakikipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kaibigan sa 134 Champaca St., Brgy. NBBS Proper nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

Kumuha ng shotgun ang suspek at walang habas na nagpaputok na naging dahilan upang tamaan ng bala ang mga biktima na mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan.

Matapos ang insidente tumakas ang suspek at naaresto sa isinagawang hot pursuit operation at nakuha sa kanya ang isang 12 gauge shotgun na may isang bala at isang basyo ng bala.(Beth Samson)