Advertisers

Advertisers

MACHRA, APC, NAGPARATING NG PASASALAMAT SA MGA SUPPORTERS

0 18

Advertisers

Nais magpasalamat ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), ang samahan ng mga reporters mula sa iba’t-ibang mainstream media outlets na nagco-cover sa city hall ng Maynila, sa lahat ng tumulong at sumuporta para maging makulay at masaya ang aming pagdiriwang ng Christmas Party at muli, ng aming Yearend at Thanksgiving party.

Napakarami po ninyo kaya’t hindi ko na iisa-isahin pa. Hiling po ng MACHRA ang patuloy na pangangalaga at pagpatnubay sa inyo para manatili kayong ‘blessing’ sa inyong mga nasasakupan.

Higit pang pinasaya ang nasabing pagdiriwang ng MACHRA ng sorpresang pagdalo ni Mayor Honey Lacuna, na nagpahayag ng labis na pasasalamat sa suporta ng media para maipamahagi ang mga impormasyon ukol sa magagandang ginagawa ng pamahalaang-lokal para sa mga residente ng Maynila.



Ganito rin ang mensahe ng napakagaling at napakasipag na si City Administrator Bernie ‘Yantao’ Ang, na wala ring sawang sumusuporta sa MACHRA bilang pangunahing adviser ng grupo noon pa man.

Sa totoo lamang, itong si Mayor Honey ay hindi gaanong mahilig sa publicity kung kaya’t hindi siya palagiang nakikita sa social media pero sa kabila niyan, damang-dama naman ng mga taga-Maynila ang kanyang napakaraming serbisyo at benepisyo na ibinibigay para sa mga residente.

Kilala si Mayor Honey sa pagiging ‘silent worker.’ ‘Yung tipong trabaho lang ng trabaho pero hindi na para ipangalandakan pa. Tanging ang personal media accounts lang ng City Hall ang naglalabas ng mga aktibidad ng lungsod, para lamang maipaalam sa mga taga-lungsod kung ano ang dapat nilang malaman gaya ng mga advisory at announcements na nauukol sa mga benepisyo at iba pang mga regulasyon ng lungsod.

Nitong Kapaskuhan lamang, nakumpleto ni Mayor Honey ang pagbibigay ng Christmas food boxes para sa 695,000 na pamilya sa loob ng 12 araw. Sinamahan siya ni Vice Mayor Yul Servo, mga konsehal, Congressman at iba’t-ibang uri ng sangay ng pamahalaang-lokal para mapabilis ang pamamahagi.

Iniatas na din ng alkalde ang pamamahagi ng updated na pinansiyal na buwanang benepisyo para sa mga senior citizens, persons with disability, solo parents at mga mag-aaral ng Universidad de Manila at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Grade 12 students.



Bukod pa diyan ang pamamahagi din ng tulong para sa napakaraming nasunugan sa lungsod nitong mga nakalipas na buwan ng Nobyembre at Disyembre lamang.

Ang isa pang maganda kay Mayor Honey ay hindi niya pinababayaan ang mga kawani ng lungsod pagdating sa benepisyo. Binibigyan niya ng tunay na kahulugan ang kasabihang, ‘charity begins at home.’

***

PASASALAMAT NG APC—Ipinararating din ng Airport Press Club (APC) na pinamumunuan ng aming pangulong si Ariel Fernandez ang pasasalamat ng grupo sa mga nagbigay-suporta para sa matagumpay na Christmas Party ng grupo nitong Disyembre 28 lamang.

Maraming salamat din sa personal na pagdalo ng mga opisyal ng PAL sa pangunguna nina President Stanley Ng at spokesperson Ma. Cielo Villaluna na pinasaya din ang grupo sa kanyang mga song and dance number kasama ang BI spokesperson na si Dana Sandoval.

Salamat din kina BI deputy spokesman Melvin Mabulac, Cebu Pacific officer Roxanne Gochuico at Malou Reyes, Air Asia head for corporate communications Carlo Carongoy, CAAP spokesman Eric Apolonio, Customs-NAIA District Collector Yasmin Mapa at opisyal na si Gabby Quebec, Pairpags President Janet Cordero at siyempre pa, kay public affairs office chief Ma. Connie Bungag.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.