Private households bawal magsagawa ng sariling fireworks display – Mayor Honey
Advertisers
BAWAL magsagawa ang mga private households na magsagawa ng kanilang sariling fireworks display.
Ito ang nakasaad sa inilabas na Executive Order No. 36 ni Mayor Honey Lacuna kung saan kasama rin niyang binanggit ang ilan pang mga bawal at idinagdag din niya na ang fireworks ay papayagan lamang sa permitted staging areas na may kaukulang special permits na in-apply tatlong araw bago ang event at ang permit ay inisyu ng Bureau of Permit.
Ayon kay Lacuna, ang pamahalaang lungsod ay naglabas Ng listahan ng mga firecrackers at pyrotechnic devices na papayagan na gamitin sa pamayanan para sa community fireworks diplay areas at ang impormasyon ay naikalat na sa mga barangays sa pamamagitan city’s social media accounts.
Ang mga ipinagbabawal para gamitin, manufacture, sale o distribution sa Maynila ay ang mga walang kaukulang labels; mag nagtataglay ng sulfur o phosporus combined with chlorates; mga oversized na may maiksing fuse na nagdedetonate in less than three seconds at iba pa na maaring maglagay sa panganib sa buhay at mga braso at kamay, gaya ng pagkakadetermina ng Philippine National Police.
Ang applicants para sa permits, ayon pa sa alkalde ay kinakailangan na sumunod sa safety guidelines bago, habang sinasagawa ang fireworks display at pagkatapos nito. Kabilang Dito ay presensya ng standby firetrucks, Lima o higit pang lookouts o security guards na nakapwesto sa strategic areas para magsilbi bilang fire suppression team kung sakaling magkakaroon ng sunog. Kinakailangan din na mayroong silang team of first-aid medical personnel na naka- standby at tiyakin Ang maayos na pagtatapon ng debris at waste fragments pagkatapos ng event.
Binigyang diin din ng lady mayor na ang mga binigyan ng permits ay binabalaan din kontra sa exploding fireworks na hindi specified sa kanilang application. Ito aniya ay illegal at maaring maging dahilan ng blacklisting o banning sa mga proponent sa kanilang future applications.
Nabatid kay Lacuna, na ang penalties at fines sa mga violators ay nakasaad sa executive order.
Idinagdag pa ng alkalde na ang kanyang inilabas na EO ay para lamang protektahan ang mga tahanan at mga istruktura kontra sa incidental fires gayundin para sa kaligtasan ng mga residente. (ANDI GARCIA)