Advertisers

Advertisers

Bakit ‘di imbestigahan ng kongreso ang mga bagong expose ng DDS hitman?

0 225

Advertisers

ILANG buwan na ang nakalipas simula nang durugin ang kalsada sa harap ng Mary Johnston Hospital sa Moriones, Tondo, Manila pero hanggang ngayon ay hindi pa ito nagagawa.

Oo! Nagrereklamo na ang mga residente at mga motorista na dumadaan sa lugar, pati ang mga taga-ospital ay apektado lalo ang mga nagpapagamot rito dahil hindi makapasok ang mga sasakyan.

Kung tutuusin ay kayang tapusin ng dalawang buwan ang kalye, pero higit limang buwan na itong nakabinbin ngayon, Mayor Honey Lacuna, ma’am!



Mayor, paki-check nga po ang proyektong ito kung bakit hindi pa ito matapos-tapos. Now na!

***

May matindi palang makakalaban si Tondo 1 Representative Ernix Dionisio sa midterm election, ang multi-millionaire na si Joseph Lumbad.

Sa mga hindi pa nakakakilala kay Lumbad, ito lang naman ang IT ng online sabong na kumamal ng daan daang milyon noong kasagsagan ng Pitmaster.

Kahit wala na ang Pitmaster ay tuloy parin naman ang online sabong, iligal na nga lang!



Sabi-sabi, handang lumustay ng bilyones si Lumbad para maagaw ang titulo ni Dionisio.

Nag-give way na nga raw kay Lumbad ang magbabalik sanang mambabatas na si Manny Lopez.

Kung pera pera ang maging labanan, patataubin ni Lumbad si Dionisio lalo’t marami na ang nagrereklamo sa serbisyo ng batang mambabatas.

Nagsisimula na raw si Lumbad sa pakikipagpulong sa mga barangay officials pati na sa kabataan.

Magandang laban ito. Subaybayan!

***

Malulupet ang mga bagong expose ng umaming Davao Death Squad (DDS) hitman na si Arturo Lascanas, ang retiradong Pulis-Davao na umaming naging pangunahing tirador ni ex-President Rody Duterte noong alkalde pa ng lungsod ang huli.

Sa panayam ng beteranong mamamahayag na si Antonio Montalban ll sa VERA Files, walang takot na ibinunyag ni Lascanas ang lahat ng kanyang nalalaman sa naging papel niya sa DDS noong alkalde pa si Duterte.

Si Duterte ay higit 2 decades naging alkalde ng Davao City simula nang italaga ni late President Cory Aquino noong 1987?.

Detalyado ang mga expose ni Lascanas. Binanggit niyang lahat ang mga naging papel niya sa DDS, na lahat daw ay utos ni Duterte na kung tawagin nila noon ay “Superman”.

Sabi ni Lascanas, lahat ng mga babaeng adik na pinaaresto ni Duterte ay pinare-rape nito sa kanyang mga tauhan sa harap mismo ninas Lascanas.

Ang mga kalaban daw ni Duterte sa politika pati sa iligal na droga ay pinapapatay nito kabilang sina Mayor David Navarro ng Misamis Occidental, Mayor Reynaldo Parojinog ng Ozamis City at marami pa.

Sa mga expose na ito ni Lascanas, dapat imbestigahan siya ng Kongreso. Oo! Kung ang mga convicted criminals sa Bilibid ay pinaniniwalaan ng korte, bakit hindi ang katulad ni Lascanas na isang retiradong pulis at handang humarap sa anumang klase ng imbestigasyon?

Say n’yo, House Speaker Martin Romualdez at Senate President Migz Zubiri?