Advertisers

Advertisers

CHAIRWOMAN, HINDI MATAGPUAN SA BARANGAY HALL, BUSY DAW SA PAGBIBILANG NG PERA

0 13

Advertisers

Isang Chairwoman sa Blumentrit ang hindi daw makita at matagpuan ng kanyang mga constituents sa kanyang barangay hall nitong kapaskuhan hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon at hanggang sa kasalukuyan.

Abala daw umano si Kapitana sa pagbibilang ng pera na kanyang nako-kolekta sa lahat ng mga vendors sa Blumentrit market.

Maging sa bahay daw nito ay hindi na rin ito mahagilap, tinatagpo na lamang daw nito ang kanyang mga kolektor sa isang lugar na sila lang ang nagkakaalaman.



Ang Kapitana na kini-lalang isang Remy Bautista ay tinalagang anti-vending chief ni Mayora Honey Lacuna sa buong area ng Blumentrit kasama na ang palengke may tatlong buwan na ngayon.

Lahat umano ng mga vendors sa buong area ng Blumentrit ay kinukunan ng tara ni Bautista araw-araw mula sa bilao, karton hanggang pwesto pijo, wala daw nakakalusot.

Matitindi daw ang mga kinuha nitong mga kolektor na bukod na umiikot ay meron pa talagang nakatalagang sniper ang mga ito sa lidgi lidgi kung kaya’t hindi pwedeng lumagpas.

Matindi at sensitibong masyado ang binigay na posisyong ito ni Mayora Lacuna kay Bautista kung kaya’t ka-lebel na rin niya sina Chairman Bunny na may hawak ng buong Quapo area at Chairman Ibay naman sa Divisoria.

Walang pwedeng makialam at bawal din sitahin ang mga nasabing chairman na kung tawagin ng mga vendor ay “tatlong haring mago” ni Mayora Lacuna.



Maging mga pulis na naka-detalye sa mga nasabing lugar ay balewala at nagsisilbing symbolic figure, imahen at rebulto na lamang… visibility lang, ika nga.

Ang pagka-katalaga daw sa mga chairman na ito ay disenyo daw ng Manila city hall upang direkta na agad ang koleksiyon sa kinauukulan at wala ng masyadong maraming kausap na tao.

Mantakin niyong ang mga ito na lamang ang nagbi-bigay ng weekly allowance sa lahat ng mga pulis na naka-assign sa mismong istasyon at detachment sa nasabing mga lugar tsk… tsk… tsk…

Sa kabila ng limpak-limpak na salaping hawak ng mga ito, marami ang nagta-taka kung bakit walang dating at presentasyon ang kanilang mga barangay hall.

Ang barangay hall ni Bautista ay sa silong lang ng isang aprtment na gawa sa kahoy at nasa eskinita pa sa kalye ng Felix Huertas samantalang itong si Bunny naman ay sa simula’t-sapul pa lang ay nasa isang kubol lang sa Carriedo, masyado yata kayong mag-mahal sa pera.

Ilan beses na daw nilang hinanap itong si Chairwoman Remy sa kanyang barangay hall nguni’t wala daw ibang tinutugon ang sekretarya nito kundi ” hindi daw niya alam kung nasaan si Kapitana” at kung minsan naman daw ay sasabihin nitong “out-of-town si Kapitana.

Konting delikadesa naman, baka nga masyado kayong nalilibang at naka-kalimutan ng kayo ay mga public servant at hindi kolektor ng isang Punong-Puno… SERBISYO PUBLIKO!!!