Advertisers
MILWAUKEE BUCKS star forward Giannis Antetokoumpo at Los Angeles Lakers forward LeBron James ang nangunguna sa resulta ng first fan voting para sa NBA All-Star Game sa balloting ipinahayag Huwebes (Biyernes sa Manila)
Greek big man Antetokoumpo ay may overall lead na 2,171,812 votes para pangunahan ang Eastern Conference frontcourt habang si James ay may 2,008,645 upang pangunahan ang Western Conference frontcourt.
Starters para sa 73rd edition ng annual showdown ng elite talent ay para matukoy ang formula kabilang ang 50% fan voting at 25% each mula sa NBA players at media panel.
Ang 2024 NBA All-Star Game ay nakatakda sa Pebrero 18 sa Indianapolis.
Iba pang nangunguna sa East frontcourt ay kabilang sina Cameronian star reigning NBA Most Valuable Player Joel Embiid ng Philadelphia na may 1,844,025 at Jayson Tatum ng NBA overall leader Boston na may 1,765,919, at Jimmy Butler ng Miami fourth na may 767,913.
Nangunguna sa Eastern guards sina Indiana’s Tyrese Haliburton na may 1,380,795 at Milwaukee’s Damian Lillard na may 955,751 habang si Trae Young ng Atlanta ay may 873,979.
Iba pang West frontcourt leaders kabilang sina Phoenix’s Kevin Durant may 1,807,394 at Serbian center Nikola Jokic ng reigning NBA champion Denver may 1,636,041 at Lakers standout Anthony Davis fourth na may 988,225.
Slovenia guard Luka Doncic ng Dallas Mavericks ang nangunguna sa West guards na may 1,452,733 at Golden State’s Stephen Curry second may 1,394,980 at Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander third may 966,927.
Ang roster selection format ay binago ngayon taong All-Star Game na ang lineups ay binalik sa Eastern Conference vs Western Conference format.
Sa nakalipas na anim na seasons,ang top vote-getter sa bawat conference ang mag silbing captain at pipili ng kanyang roster mula sa draft at italagang starters.