Advertisers

Advertisers

GM OSIAS CATOLOS BANAAG BAGONG BISE PRESIDENTE NG IA COMBATIVE SPORT SA BAGONG TAONG 2024

0 5

Advertisers

ISA na namang karangalan para sa bansa ang handog ng isang Pilipino sa puso, isip at gawa.

Nitong bagong taong 2024, isang taal na Pinoy na nakabase sa Estados Unidos sa katauhan ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ang nahalal sa mataas na posisyon bilang bise presidente ng prestihiyosong International Association of Combative Sports( IACS).

Ang founder/president ng Global Sikaran Federation( Philippines, USA and the world) na si Banaag ay manunungkulan sa Executive Council mula 2023 hanggang 2027 sa North America ayon sa limbag sa certificate-IACS/ec/24/03 na pirmado nina IACS president Master BK Bharat at secretary general Nasrollah Kakawand.



“ It’s an honor to be elected as high official of the prestigious IACS.This is for our kababayan in the Philippines and America as well,” wika ni Catolos Banaag na nakabase na sa Delano City, California USA.Siya rin ang nagtatag ng tradisyunal na sport na Sikaran sa Tanay, Rizal hanggang sa ito ay lumawig sa buong bansa at sa international na pagkilala sa larangan. (Danny Simon)