Advertisers

Advertisers

HUWAG BIRUIN

0 1,899

Advertisers

PARA kay Sonny Trillanes, hindi dapat ipagwalang bahala ang mga salita ng mga retiradong opisyales ng Sandatahang Lakas. Totoong wala silang mga tao, ngunit may impluwensiya sila sa mga ordinaryong sundalo. Maaaring sa kanila mag-umpisa ang destabilisasyon laban sa gobyerno ni BBM.

Umingay ang mga retiradong opisyales dahil sa balitang narito sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal upang ituloy ang naantalang formal investigation laban kay Gongdi at mga kaalyadong mamamatay tao sa PNP at burukrasya. Para kay Trillanes, maaring bahagi ito ng destabilisasyon upang hindi ibigay ni BBM si Gongdi at kasapakat sa ICC.

Maaaring tapos na ang ICC ang pagsisiyasat kay Gongdi,ani Trillanes. Ang susunod dito ay ang paghingi ng Office of the Prosecutor sa ICC ng arrest warrant upang dakpin si Gongdi at mga kapanalig at dalhin sa punong himpilang ng ICC The Hague upang ikulong at paharapin sa itinakdang paglilitis. Batay sa mga pahayag ng mga kapanalig ni Gongdi tulad ni Bato dela Rosa, kabadong kabado sila sa kahihinatnan ng kanilang usapin sa ICC.



Kamakailan, kumalat sa social media ang maraming tsismis, alimuom, at ugong-ugong tungkol sa napipintong pagkilos umano ng mga dismayadong sundalo dahil sa polisiya ni BBM sa sakdal na crimes against humanity laban kay Gongdi at mga kasabwat sa maraming pagpatay sa mga taong may kaugnayan sa paggamit at pagtutulak ng droga. May mga babala na magkakagulo umano kapag dinakip, ngunit para kay Trillanes, hindi handa ang mga mamamayan sa pagkilos. Panlalansi lang ang banta ng gulo. Hindi magpapakamatay ang sambayan para kay Gongdi dahil naranasan nila ang kalupitan ni Gongdi noong siya ang pangulo.

Sang-ayon ako sa kuro-kuro ni Trillanes. Walang ginawa si Gongdi na matino sa bayan. Marami siyang ipinapatay ng walang kalaban-laban. Hindi isinailalim sa proseso ng batas ang maraming patayan sa ilalim ng kanyang administrasyon. Basta na lang sila ipinapatay na mistulang mga hayop. Ipinagkait sa kanila ang karapatan na ipagtanggol ang sarili. Marami sa kanila ang pinasok sa bahay at pinuksa.

Marapat na ibigay ni BBM si Gongdi at mga kasapakat sa ICC. Hindi dapat bigyan ng proteksyon ang sanggano. Walang matinong sinabi si Gongdi kundi patalsikin si BBM, huwag magbayad ng buwis, at naglunsad ng kudeta. Peste si Gongdi, sa madaling salita. Manggugulo lang siya sa sambayanan.

***

AYON kay Trillanes, malaking bilang ng mga Filipino ang hindi sang-ayon na ibigay si Gongdi sa ICC. Ayon sa survey ng Magdalo Party List noong Agosto, 35% ang tutol na ibigay siya sa ICC at walang opinyon ang ang mayorya tungkol sa isyu. Magkakaroon ng survey sa huling bahagi ng Enero at kapag bumaba ang bilang sa 10- 15%, “tapos na boksing.” Matutuluyan si Duterte.



Gayunpaman, kailangan timbangin mabuti BBM ang isyu dahil maaaring may matinding balik sa Filipinas kung tutol siya na ibigay si BBM sa ICC. Kasama sa mga epekto ang pagkawala ng mga pribilehiyo na ibinibigay sa ating mga iniluluwas na produkto sa ibang bansa. Kasama ang pagtanggi na bilhin ang ating mga export products, aniya.

Labis na dumapa ang pambansang ekonomiya dahil sa pandemya. Ngayon pa lang unti-unting bumabangon ang bansa mula sa pagkalugmok. Hindi dapat mawala ang momentum ng pambansang kabuhayan at kung kailangan ibigay si Gongdi upang gumanda ang lagay ng bayan, marapat lang na isakripisyo si Gongdi. Walang pakinabang kay Gongdi at manggugulo lang ang kriminal na dating presidente.

***

MAYROON panawagan sa social media na marapat lang bumalik ang Filipinas sa pagiging kasaping bansa sa Rome Statute, ang multilateral na tratado na bumuo sa ICC. Walang sagabal upang hindi tayo makabalik. Sapat na isang liham ni BBM upang makabalik tayo. Ayon kay dating Senador Frank Drilon, hindi na kailangan ang pagsang-ayon ng Senado upang makabalik ang Filipinas sa ICC.

May dahilan upang bumalik tayo, ani Manuel Galacio Jr., saing netizen. Binanggit niya ang desisyon ng International Bureau of the Permanent Court of Arbitration (PCA) na kumukumpirma sa pagpili sa apat na abogadong Filipino bilang mga kasapi ng Permanent Court of Arbitration. Sila ay sina Dr. Raul Pangalangan, Prof. Sedfrey Candelaria, Dr. Antonio Gabriel La Viña at Ambassador Eduardo Malaya. Isinumite DFA)Secretary Enrique Manalo ang kanilang pangalan sa ICC. Wala si harry Roque diyan dahil hindi siya sineseryoso. .

***

MAY isinulat akong isang munting sanaysay sa aking social media account. Tungkol ito sa jeepney modernization program ng gobyerno na binatikos ng mga nag-aaklas na tsuper.

RESISTANCE TO CHANGE. It is not easy to engage in any modernization program. The hardest part is the issue of economics. The government, particularly the previous administration of Gongdi, wanted the jeepney drivers to modernize the fleet. No problem with that, as many jeepney drivers are driving jeepneys which are 50-year old.

But the replacement jeep, mostly imported jeepneys from China, are expensive. A jeep operator or driver would have to shell out between P2.5-M to P2.8-M for the new Chinese jeepney. Arturo Tugade, as DoTr secretary under Gongdi administration, captained ball this unacceptable modernization program. Many drivers have opposed it because they could not afford it. Besides, they were not prepared to form cooperatives for the government program.

It has always been an issue that people have a tendency to resist change for a host of reasons. Resistance to change is inherent in every social context. Conservatism is deeply rooted in Philippine society. Drivers oppose the modernization program simply because it is uneconomical for them. Besides, drivers do not lose their perceived independence because of cooperatives.

A jeepney operator who is also its driver openly complained that he would not avail of the replacement unit because it is debt and he does not want to leave debts to his children. The modernization program has a catch. According to Sonny Trillanes in an interview by Christian Esguerra, in “Facts First” program, the group who sponsored it stands to gain a commission of P1-M for every jeep unit they will sell. That explains why they are ardently pushing the expensive program.

***

MGA PILING SALITA: “This mess is all the government’s fault.. Bakit may mga bulok na jeepney o mga sasakyan in general na nsa kalsada pa din? Kasi na irehistro.. Sino ba incharge sa vehicle registration? Diba LTO. Meron pa ngang emission testing at inspection bago ma-register pero bakit nakakalusot. Kung sa pag rehistro pa lang hinigpitan, nawala sana dilapidated na sasakyan sa kalsada.. Money talks, bullshit walks…” – Raul Flores Jr.