Advertisers
Ni JOVI LLOZA
DEDMA si Paolo kaysa patulan ang mga bira ng bashers para sa pagpapalit ng titulo ng TAPE Inc na Tahanang Pinakamasaya.
Nagdesisyon na nga ang korte na bawal nang gamitin ng GMA -7 at TAPE Inc ang titulong nabawi ng TVJ.
Wala namang pagsidlan ng tuwa ang Legit Dabarkads nang magbalik na ang kanilang programa.
Sa kabilang banda ay mukha raw di title ng noontime show ang Tahanang Pinakamasaya.
Sey pa ng bashers, mas lalo raw pagtatawanan ni Joey De Leon ang titilo ng TAPE Inc.
Sa sinasabi naman ni Paolo na mahaba pa ang laban ay malaking sampal daw ito dahil sumablay ito sa kanyang kuda.
Pattern nga raw sa Sunday Pinasaya ang bagong title ng noontime show ng TAPE Inc.
Pero nabuhayan ng loob ang lahat nang malamang muli silang aapela para maibalik ang title na EB.
***
MULING naispatan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang kasalan. Pareho silang imbitado sa kasal ni Robi Domingo at long time gf nito na si Maiqui Pineda.
Ginanap ang kasalan sa isang historic church sa Bulakan nito lang January 6.
Napansin din na bagong hairdo or haircut ang buhok ni Daniel.
Kung dati ay magkasama sila sa mga larawan, ngayon ay hindi na.
Kahit sa reception ay magkahiwalay na ng upuan ang ex-couple.
Sa kabila noon may mga bisita pa ring nagpa-pics sa ex-couple kahit nagdededmahan ang KathNiel.
Happy naman ang bagong kasal na Robi at Maiqui at nakadalo ang KathNiel sa kabila na hiwalay na sila at pansin ang todo iwas ni Kathryn sa dating nobyo.
Well, well, well. ‘Yun na.