Advertisers
GINIBA ng Adamson University ang Far Eastern University – Diliman,76-66, para mapanateli ang solo leadership sa UAAP season 86 boys’basketball sa Filoil Centre sa San Juan City Linggo.
Ang Falcons, 9-1 ay pinamunuan ni Vince Reyes na nagtala ng 16 points,six rebounds, at four assists,two steals at one block.
Justine Garcia umiskor ng 14 points, habang si Mark Esperanza at Earl Medina nagdagdag ng 13 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.
Veejay Pre may 26 points,10 rebounds at two blocks para sa FEU, na nakamit ang kanilang ikalimang kabiguan sa 10 laban.
Sa ibang game, ang University of the Philippines Integrated School ay nakapasok sa win column matapos ang siyam na pagsubok 80-71 wagi laban sa University of the East.
Pinamunuan ni Daryl Valdeavilla ang opensa ng Fighting Maroons sa iniskor na 26 points, kabilang ang six triples, at four rebounds, three assists at one steal.
Jaime Gomez de Liano at Rocco Melicor bumakas ng tig-14 points,habang si Nathan Egea umiskor ng 13,at Bruce Tubongbanua nagdagdag ng 10 points para sa UPIS.
Gayunpaman ang Diliman boys ay nakaganti sa kanilang 77-93 first-round loss sa young warriors noong Disyembre 17,2023.
De Liano at Egea ay humatak rin ng ti-10 rebounds.
Para sa UE,Mark Jade Sarza at Lance Sabroso nagdeliver ng tig-16 points para sa UE, habang si John Edry Alejandro nag-ambag ng 13 point,18 rebounds, four assists para sa UE.