Advertisers

Advertisers

Fans imbiyerna sa pag-unfollow ni Kathryn kay Liza

0 11

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MAY isang post si Pauleen Luna sa kanyang socmed na nagpapa-breast feed sa isang 3 day-old na baby.

Pero  pinabulaanan ni Pauleen na nanganak na siya.



Inamin ni Pauleen na ang post nitong 3 day- old baby na dumedede sa kanya ay larawan ni Talitha o Tali.

Kaya naman inakala ng netizens na isinilang na nito ang second love child nila ni Bossing Vic Sotto.

Pero inamin ni Pauleen na mid ng January ay lalabas na ang baby sister ni Tali.

Mukhang ceasarian ulit si Pauleen at dahil ayaw nito magpaka-stress ay nag go ito sa resort ng magulang sa Laguna at doon nagpalipas  para mag enjoy at mag-chill.

Sa panganganak ni Pauleen ay mas excited pa ang kanilang panganay na si Tali.



***

TILA napapansin ng mga netizen na  uma-attitude na raw si Kathryn Bernardo na kinainisan ng mga faney nang i-unfollow si Daniel Padilla.

As in, tuluyan nang binura ni Kathryn sa socmed ang lalaking matagal na naging bahagi ng kanyang buhay.

Dinamay na rin nito ang mga kapwa artista na may access kay Daniel na kanilang mutual friends.

Idinamay pa nito ang mga may koneksyon sa socmed sa kanyang ex bf.

Kaya damay na kahit sina Liza Soberano at Julia Barretto ay in- unfollow na rin ni Kathryn.

Kaya naman galit daw ang mga fans ni Liza sa pag-unfollow ni Kathryn.

Kaya nasabihan  si Kayh na insecure ba raw kay Liza kaya ini-unfollow nito ang huli.

Kahit ang mga tagahanga ni Julia ay takang taka rin sa pag-unfollow ni Kathryn sa nasabing aktres.

Well, well, well…’Yun na!