Advertisers

Advertisers

Marion grateful sa dalawang nominasyon sa Star Awards for Music

0 21

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA darating na 15th PMPC Star Awards For Music,

dalawang nominasyon ang nakuha ng magaling na singer na si Marion Aunor.



Ito ay ang Revival Recording of the Year para sa Nosi Balasi from Viva Records at Wild Dream Records, at Female R&B Artist of the Year for Traydor Na Pag-ibig mula sa Viva Records.

Ang dalawang kanta ay bahagi ng original soundtrack ng blockbuster movie na Maid In Malacañang ni Direk Darryl Yap.

Sa isang panayam, sinabi ni Marion na grateful siya sa nominasyong nakuha mula sa  PMPC.

“Salamat po sa PMPC and friends namin from the media sa patuloy ninyong pag-support sa amin ni Ash. Naa-appreciate po talaga namin yun. Sana po ‘di kayo magsawa sa pag-support sa amin at sa music/projects namin.”

Ang Nosi Balasi ay pinasikat na kanta ng dating rock artist na si Sampaguita.



“Cover po for the movie na Maid in Malacañang, gumawa po kami ni Ashley ng orchestral version.

“Iyong Traydor na Pag-ibig, original song ko naman po na isinulat for the movie. Medyo may pagka vintage yung tunog. Aside from the movie, puwede rin naman po ito para sa mga patuloy na umiibig kahit masakit,” natatawang sabi pa ng magaling na singer-actress.

Samantala, may bagong single si Marion titled Nahulog.

”May lyric video na rin po at music video ito sa Wild Dream Records Youtube Channel. Featured din po sa music video si Marco Gallo.

“Vintage sounding love song po yung Nahulog. Puwede pong pang-slow dance, pang-wedding or pang-propose yung song. About finding the one or finding the love of your life.”

Bukod sa kanyang bagong single ay may bago ring movie si Marion

titled  A Glimpse of Forever mula sa direksyon ni Jason Paul Lacsamana. Ipalalabas ito this January. Kasama sa cast sina Jasmine Curtis Smith, Jerome Ponce, at Diego Loyzaga.

“Ang name ko po rito sa movie is Frida. Nagwo-work po yung character ko sa company kung saan magwo-work yung character ni Jerome. May drama and romance po na mapapanood sa movie,” aniya pa.