Advertisers

Advertisers

Police Lt. Col. nagpaputok ng baril sa labas ng bar sibak sa serbisyo

0 13

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ni PNP Chief, General Benjamin Acorda, Jr., si Lt. Colonel Mark Julio Abong dahil sa pagpaputok ng baril sa labas ng isang bar sa Quezon City.

Inanunsyo ito ni Acorda nitong Lunes.

Say ni Acorda, pinirmahan na niya ang dismissal order laban kay Abong kaugnay ng fatal hit-and-run case noong Agosto 2022.



“As of this date, nai-serve na yung dismissal order. I already signed the dismissal order,” sabi ni Acorda sa isang press conference.

Bago ito, last year ay iniutos ni Interior Secretary Benhur Abalos kay Acorda na tanggalin si Abong matapos ibasura ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ikalawang apela dahil sa “lack of merit”.

Si Abong ay nasangkot sa hit-and-run case noong Agosto 2022, nagresulat ng pagkasawi ng isang tricycle driver at pagka-injure ng pasahero nito.

Kinasuhan ng pamilya ng driver si Abong ng ‘Homicide at damage to property’.

At napatunayan ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) sa Quezon si Abong na ‘guilty’ sa misconduct, grave neglect of duty, at conduct unbecoming a police officer’.



Tama lang na sibakin si Lt. Col. Abong sa kanyang pagiging barumbado para hindi na tularan pa ng ibang mga pulis.

Laging tandaan, mahal naming mga pulis, ang ‘indiscriminate firing’ ay may penalty na dismissal from service at ‘prison mayor’. Kaya mag-isip ng maraming beses bago kalabitin ng gatilyo nang walang sapat na rason kundi yabang lamang.

***

Tama rin naman itong si dating Comelec commissioner Rowena Guanzon. Ang netizens daw ay higit na nakatuon sa celebrity break-ups kesa mga importanteng isyu na nakakaapekto sa kanilang buhay tulad ng Charter change at phase out ng traditional jeepney.

Kung ang netizens nga naman ay binobomba ang gobyerno sa mga isyung magpapahirap lamang sa mga ordinaryong mamamayang Filipino, hindi magtatagumpay ang madidilim na balak ng ilang elected officials na puros pampersonal na interes lamang ang pakay. Mismo!

***

Masasayang lamang ang pagod at panloloko ng mga politiko na nasa likod ng People’s Initiative para baguhin ang 1987 Constitution o ang palitan ng sistema ng gobyerno kapag nanindigan ang mga pumirma na sila ay sinuhulan ng pera sa pagpirma.

Sabi ni Comelec Chairman George Garcia, magiging void ang pirma kung ito’y ginamitan ng public fund.

Bukod dito, kailangang kumpirmahin ng Comelec ang bawat pirma kung ito’y tunay o peke tulad ng nangyari noong Arroyo administration, na nagtangka ring baguhin ang Saligang Batas para sila’y manatili sa puwesto.

Again, ‘di problimatic ang 1987 Constitution, ang mga inihalal mula 1987 up to now ang problema! Mismo!!!