Advertisers

Advertisers

Skater Peter Groseclose dumating na sa Korea para sa Winter Youth Olympics

0 9

Advertisers

DUMATING na sa South Korea ang Filipino speed skater Peter Groseclose Linggo bago ang kanyang paglahok sa 2024 Winter youth Olympics na nakatakdang magsimula sa Biyernes sa Gangwon.

Groseclose ay bahagi ng three-person delegation na pinadala ng bansa sa quadrennial event na ang freestyle skier Laetaz Amihan Rabe ay darating sa Biyernes habang ang cross-country skier Avery Balbanida ay lalapag sa Enero 25.

Ang 16-year-old Groseclose ay kuwalipikadong sumabak sa short track’s 500-1000-at 1.500-meter race na ilulunsad mula Enero 20 hanggang 24 habang ang 14-year-old Rabe ay nakalistang sasabak sa slopestyle at big air events.



Balbanida, ay pangungunahan ang Pilipinas sa 7.5 km classic skiing at sprint freestyle na nakatakda sa Enero 29 hanggang Pebrero 1.

“It’s always exciting for the Philippines to be on any international stage and for us to have three athletes in the Winter Youth Olympic Games,” Wika ni chef de mission Ada Milby.

“It demonstrates the commitment of the athletes to perform on that level.”

Maliban kay Milby, Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino at secretary – general Wharton Chan pati na rin ang Philippine Skating Union president Nikki Cheng at Philippine Ski at Snowboard Federation secretary-general Jazreel Apelar ay nakatakda ring lumipad patungong Gangwon sa Huwebes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">