Advertisers
MAKAKATAPAT ng dating IBF world minimumweight Rene Mark “Mighty Mouse” Cuarto ng Zamboanga del Norte ang mapanganib na si Shokichi Iwata ng Japan sa Enero 20, sa Korakuen Hall sa Tokyo.
Ang 27-year-old Cuarto ay nagte-training kahit sa panahon ng Christmas Day sa MP Pacquiao Davao Gym sa Toril.
“Actually, I’m sparring heavier fighters so I can get used to opponents bigger than me,” Wika ni Cuarto (21-4-2, 12KOs).
Cuarto ay lumaban lang ng isang beses nakaraang taon Abril 16 kontra Japanese Ginjiro Shigeoka para sa IBF Interim World minimum weight sa Yoyogi Gym sa Japan kung saan natalo siya sa 9th round knockout.
Gayunpaman, Cuarto ay back on track at kumpiyansang magwawagi laban kay Iwata.
“From my point of view, there is a bigger chance for me to win this fight,” Sambit ni Cuarto, na nanateli sa 115 pounds.
Si Cuarto ay aalis Enero 17 kasama ang tatlong iba pang Filipino boxers Roldan”The Cobra” Aldea,Joseph Ambo at Jhey Rhey Waminal.
Aldea (18-9-2,10KO’s) ay makakabangga si Masajiro Suzuki (9-1-16KO’s) para sa bakanting OPBF lightweight title.
Habang si Ambo (13-3-1,8KO’s) ay makakatapat ang undefeated Kenji Fujita (5-0-0.3KO’s)para sa bakanting WBO Asia Pacific featherweight title.
Waminal (16-9-1,9KO’s) ay lalabanan ang undefeated Mikikito Nakano (8-0-0,7KO’s)