Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
NOONG Nobyembre ng nakaraang taon ay nag-celebrate ng kanilang 7th year anniversary sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.
Kumpara sa ibang love team, noon pa man nila sinasabi na kaya nagtatagal ang kanilang tandem ay dahil natural ito at hindi pilit.
Hindi lang kasi love team partners ang dalawa kundi real couple.
Magkasosyo rin sila sa kanilang mga negosyo kaya sila swak.
Kung tutuusin, kasal na nga lang ang kulang sa kanila.
Happy din sila dahil thriving naman ang bago nilang ‘tumbler’ business na kanilang itinayo.
Through the years, hindi pa naman sila dumadating sa puntong nagkakasawaan dahil every day ay may nadidiskubre sila sa isa’t isa.
Pagdating naman sa kanilang karera, suportado nila ang bawat isa.
Ngayong magtatapos na ang kanilang seryeng “Pira-Pirasong Pangarap”, bet daw muna nila na gumawa ng separate projects.
Ito raw ay para na rin sa kanilang professional growth.
“Ngayon sa serye, siguro mas gusto ko magkaiba naman po muna. Kanya-kanya mag-grow muna,” ani Loisa sa finale mediacon ng PPP. “Seven years na kami love team. Gusto ko grow din siya as an actor,” dugtong pa niya.
Sumang-ayon naman si Loisa sa nobyo na ang bet naman ay gumawa ng action film.
“Gusto ko talaga mag-action. Itong serye, naging training ko. Tama si Loisa, napagusapan namin, ‘pag may magandang offer, pwede ka mag-solo at humiwalay muna’,”sey ni Ronnie. “Yung role na nakipagsabakan, barilan,” dugtong niya.
Gayunpaman, hindi raw naman siya namimili ng role na ipagkakatiwala sa kanya.
Katunayan, open din daw siya na gumawa ng BL tulad ng ginagawa ng ibang Kapamilya stars.
“Ako, hindi ako namimili kung sino bigay nila or isama sa akin, whether girl or ensemble. BL, kasama ko pa si KD at Joseph Marco,” hirit ni Alonte na pabiro.
Sa kaso naman ni Loisa, game rin daw siya sa gumawa ng naughty sex comedy o movie about empowered women na susubok sa kanyang versatility as an actress.
Bet din daw niyang magpaka-action star na ala Angelina Jolie.
“Yung love interest lang pwede. Pero gusto ko makawork kami girls mga ‘Sex and the City’ peg. Na-enjoy ko itong ‘Pira-Pirasong Paraiso,’ di love story talaga. Family siya,” aniya. “But if given an opportunity to work on a film or series together, the actress said she hopes to do a remake of “Mr. and Mrs. Smith” with Alonte,” pagtatapos ni Loisa.
Tampok din sa ensemble cast sina Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Elisse Joson, Joseph Marco, KD Estrada, Gardo Verzosa, Snooky Serna, Rosanna Roces at Epy Quizon.
Ang co-production na ito ng ABS-CBN at TV5 na nasa kanyang huling dalawang linggo ay idinirehe nina Raymund Ocampo at Roderick Lindayag.
Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, ang pinag-uusapang serye ay napapanood Lunes hanggang Biyernes sa ganap na alas dos ng hapon at alas tres naman tuwing Sabado sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.