Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA isang interview ni Janno Gibbs, kinumpirma niya na hindi na sila magdedemanda laban sa mga taong nagpakalat ng maselang video ng namayapang ama na si Ronaldo Valdez sa social media.
Kabilang na rito ang mga pulis na unang nag-imbestiga sa pagkamatay ng veteran actor noong December 17, 2023 na natagpuang duguan sa loob ng kanyang kuwarto.
Ang tanging demand ng pamilya ni Janno ay ang pag-iisyu ng public apology ng Philippine National Police-Quezon City Police District (PNP-QCPD) na siyang nagsagawa ng inisyal na pagsisiyasat sa kaso ni Ronaldo.
Tungkol naman sa mga vloggers na nagpakalat ng mga fake news tungkol sa pagkamatay ng beteranong aktor, ang sabi ni Janno na napabuntong-hininga muna bago nagsalita,”Personally, we want to. Pero ang dami, e. Napakarami. Sa dami nu’n at most of them are anonymous, di ba? I understand, yung iba, nasa ibang bansa pa. So, medyo mahirap.
“As much as we want to, mahirap. Mahirap. Masarap sanang masampulan man lang yung isa.”
***
SA recent vlog ni Bea Alonzo na pinamagatang “A to Z Challenge with Ivana Alawi“, naitanong niya kung selosa ba ang Kapamilya actress bilang isang jowa.
Natatawang ibinalik ni Ivana ang tanong kay Bea at itinanong dito kung selosa nga ba siya.
Sabi ni Bea,“Hindi ako selosa. It turned to a fault na nga. Hindi ako selosa. ‘Yun ‘yung problema. Naloloka na nga ako, hindi ko pa alam. Naloloko na nga ako hindi ko pa alam eh, kasi hindi ako nag-iimbestiga,” dagdag pa ni Bea.
Ayon pa kay Bea, kung may bagay raw siyang pagseselosan sa kanyang fiancé na si Dominic Roque, ito ay ang paraan ng pagtrato nito sa kanyang mga kaibigan.
“Kasi si Dom, ang love language niya, servicing. Ma-quality time siya. Gusto ko ako lang ginaganu’n niya,” pagbabahagi ni Bea.
Samantala, inamin ni Ivana na noong panahong mas bata pa siya ay sobra siyang selosa pero ngayon ay mas kalmado na siya sa pakikipagrelasyon.
Kaya naman daw kapag ginagawa ito ni Dominic sa iba ay nagseselos siya.
“‘Pag ginagawa niya ‘yun sa iba niyang kaibigan, nagseselos ako,” sey ni Bea.
Matatandaang noong 2021 nang maging magdyowa sina Bea at Dominic at nitong July 2023 naman nang ma-engage ang dalawa. Sa interview ni Bea sa “Fast Talk with Boy Abunda”, sinabi nitong ang gusto niya lang ay small wedding.