Advertisers

Advertisers

Jeep nawalan ng preno: 2 patay, 15 sugatan

0 7

Advertisers

NASAWI ang 2 katao at 15 ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeepney sa Nagcarlan, Laguna, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na si Sandra Margarette Arevalo, 2 anyos; at Fabian Audije, 45, ng Brgy. Poblacion 2.

At ang jeepney driver kinilalang si Dario Dorado, na sumuko sa Nagcarlan Police.



Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang jeepney habang naglalakbay sa bahagyang pababa na bahagi ng kalsada sa town proper. Bumangga ito sa tricycle, e-bike, sports utility vehicle, truck, owner-type jeep at dalawang motorsiklo bago ito huminto. (Mark Obleada)