Advertisers
Ni JIMI ESCALA
SOBRANG bilib ang magaling na aktres na si Rosanna Roces sa kasamahan niyang magaling din namang aktor na si Joseph Marco.
Matandaang dalawang beses nang nagsama sina Rosanna at Marco. Unang nagkasama ang dalawa sa “Ang Probinsiyano” at ngayon dito sa malapit nang magtapos na “Pira- Pirasong Paraiso” ng Dreamscape.
Banggit pa ni Rosanna sa mediacon ng nabanggit na serye na nakaplano raw lahat ang mga gagawin ni Marco.
“May plano siya sa buhay, sobrang seryoso pati ang pag-aasawa niya, nakaplano. Hindi siya yung tipo ng tao na banat lang nang banat,” sey pa ni Ms. O.
Dagdag pa ni Osang na pangmatagalan daw ang mga plano ni Marco sa buhay.
“Si Marco alam niya kung kelan siya magkaka-girlfriend, kung kelan siya dapat magpakasal, lahat talaga nakaplano,” lahad pa ng paboritong aktres ng Dreamscape ni Sir Đeo Endrinal.
Wala rin namang masabi si Rosanna sa working relationship nila ni Marco at ng buong cast ng Pira-Pirasong Pangarap.”
Ayon pa kay Osang, hindi raw dapat lagyan ng malisya ang pagiging super close nila ni Joseph.
Anak anakan lang daw niya ang aktor at sa tagal ng pagsasama nila ni Joseph sa mga project ay kampante na sila sa isa’t isa.
Kaya ba lahat ng itinatagong parte ng katawan ni Joseph ay nakita na niya?
“Oo naman, wala na siyang ipagmamalaki sa akin,” napatawang walang gatol pang sambit ng nag iisang Rosanna Roces.
***
SA mediacon pa ng nakatakdang magtapos nang “Pira-Pirasong Paraiso” ay binanggit ng isa sa pinakamagagaling na young aktres sa kanyang henerasyon na si Loisa Andalio na kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto niyang gawin nila ng ka-partner na si Ronnie Alonte ang mala-“Mr. & Mrs. Smith” na tema, huh!
“Gusto naming gawin yan sa pelikula pero sa serye gusto namin na mag iba muna. Kumbaga, mag-kanya kanya muna kami at mag-grow muna,” sẽy ni Loisa.
“Oo gusto ko muna kanya-kanya muna kami. Ako gusto kong mag grow pa at gusto kong subukan naman ang mag-action. At sa totoo lang, dito sa Pira-Pirasong Paraiso, eh, Ito ang masasabi kong magandang training sa akin,” pag-amin ni Loisa.
Nakikita ni Loisa na in order for them both na tumagal pa sa showbiz ay dapat lang daw na gumawa sila ni Ronnie ng iba’t ibang projects na hindi sila ang madalas na magkasama.